^

Pang Movies

Matinee idol na namatay 40 years ago, naaalala pa rin ng mga tagahanga

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Matinee idol na namatay 40 years ago, naaalala pa rin ng mga tagahanga

Noong isang araw, sa Manila Memorial Park, nadaanan namin ang puntod ng dating matinee idol na si Alfie Anido. May nakatirik na maliit na kandila, may ilang bulaklak din, at may picture pa ni Alfie na mukhang kuha sa isang lumang magazine. Hindi pa rin siya nakakalimutan ng kanyang fans na sigurado may mga edad na rin naman ngayon. Isipin ninyo, 1981 pa noong mamatay si Alfie, saradong 40 taon na ngayon.

Pero iyon mismong puntod ni Alfie, hindi na rin maayos, after 40 years ba naman ano ang aasahan mo.

Ang mga magulang ni Alfie, pati na rin ang kanyang mga kapatid ay nag-migrate na sa Canada ayon sa sabi nila. May narinig din kaming urban legend na hindi naman daw napabayaan si Alfie, dahil ang kanyang mga labi ay wala na sa libingang iyon kundi kinuha na rin at dinala ng kanyang pamilya sa abroad kung nasaan sila para madali siyang madalaw.

Totoo man iyan o hindi, ang maganda ay hindi pa siya nakakalimutan ng fans niya.

Kaluluwa ni Julie Vega, pinatahimik na ng fans

Sa Loyola Marikina naman, kung saan nakahimlay ang batang aktres na si Julie Vega, mukhang natahimik na rin ang lahat. Hindi na kagaya noong araw na kung anu-ano ang inilalagay ng mga tao sa kanyang puntod dahil sa paniniwalang siya ay kinuha raw ng mga duwende at ginawang reyna ng kanilang kaharian. Kung anu-ano ang inilalagay nila sa kanyang puntod, na kinukuha rin naman nila dahil nagagamit daw sa panggagamot.

Pero mabuti naman at lumipas na ang mga paniniwalang ganyan at ngayon nga ay masasabing may ganap nang katahimikan si Julie.

Ipanalangin na lang natin ang lahat ng mga kabigan at kaanak nating yumao na nawa’y makamtan na nila ang kapayapaang walang hanggan.

Sumunod sa tradisyon

Sa kabila ng napakaraming pralala bago ang announcement, tila wala nang masyadong nagulat nang aminin nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na buntis nga ang aktres, at nakapag-propose na  si Dennis at magpapakasal na sila.

Iyon kasing pagbubuntis ni Jennylyn, napabalita na mga ilang linggo na, dahil sinabi niyang nahilo siya sa isang taping, at siya ay wala na sa tamang kalagayan para magtrabaho kaya nga ang serye nila ay ipinagpaliban na muna.

Nabitin nga roon ang leading man na si Xian Lim, na una pa namang project sa GMA. Gumawa ng public statement ang managers ni Jennylyn at sinabing tigil nga muna ang serye.
Nagpasalamat sila sa ibang mga artista, sa production staff at sa GMA dahil “naunawaan nila ang kalagayan ni Jennylyn.”

Hindi naman kataka-takang magbuntis si Jennylyn. Pitong taon na silang magsyota ni Dennis at live in na sila. Hindi nga ba’t may pagkakataon pang nainis si Dennis sa isang food delivery service nang makitaan niya ng bubog ang inorder na pagkain para kay Jen?

Pero mabuti naman na kahit na ganoon na ang sitwasyon, kahit na sinasabi ni Dennis na gusto niyang “simple lang ang lahat,” dumaan pa rin sila sa tradisyon. Nagkaroon ng formal proposal at engagement party kahit na pareho na silang may anak mula sa mga dating relasyon.

vuukle comment

ALFIE ANIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with