^

Pang Movies

Bayani, laglag sa pelikula!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Bayani, laglag sa pelikula!

Dapat sana ay kasama ang actor-comedian at TV host na si Bayani Agbayani sa bagong sequel ng Sanggano, Sanggago, Sanggwapo ng Viva Films kung saan tampok sina Janno Gibbs, Andrew E., at Dennis Padilla pero hindi umano pinayagan si Bayani na mag-absent sa kanyang noontime show na Lunch Out Loud (LOL) sa TV5 produced ng Brightlight Productions ng businessman at dating politician na si Albee Benitez.

Dahil sa lock-in setup ng tapings and shootings ngayon, kinakailangang mag-absent ng dalawang linggo to one month si Bayani sa kanyang noontime program kaya hindi siya pinayagan ng producer ng show lalupa’t matagal ding absent sa show ang isa sa main hosts na si Alex Gonzaga nang ito’y magka-miscarriage sa first baby sana nila ng kanyang husband na si Mikee Morada.

Juliana, bahay naman ang pinag-iipunan

Hindi ikinakaila ng kauna-unang grand winner ng Miss Q & A segment contest ng noontime program na It’s Showtime na si Juliana Pariscova Segovia na isa sa kanyang mga pangarap ay mabigyan niya ng sariling bahay ang kanyang dating OFW mother. Kaya ganoon na lamang ang kanyang parpupursigi at pagsisipag sa kanyang trabaho para matupad niya ang kanyang matagal nang pangarap para sa kanyang ina.

Nang magsimulang kumita si Juliana bilang actor ay pinahinto na niya ang kanyang ina sa pamamasukan sa Hong Kong bilang isang domestic helper.

Matindi ang pinagdaanan noon ni Juliana at ng kanyang ina. Nakikitira sila dati sa kanilang mga kamag-anak pero nang magsimulang kumita si Juliana ay lumipat na sila sa isang rented apartment at kumpleto na rin umano sila ngayon ng mga kagamitan including TV sets sa dalawang kwarto at sala. “Sobrang hirap noon ang buhay namin ng mama ko,” pag-amin ni Juliana nang magkaroon kami ng exclusive na panayam sa kanya.

Kinu-consider ding malaking blessing sa kanya ang pag-sign up sa kanya ng Viva kung saan sunud-sunod ang ginagawa niyang pelikula. This year alone ay naka-ilang pelikula na siya all shown on Vivamax. Nariyan ang Kaka, Gluta, The House Tour at ang katatapos pa lamang na Sanggano, Sanggago, Sangguwapo at Sanggay kung saan siya nakikihati ng equal billing sa veteran actors na sina Janno Gibbs, Andrew E. at Dennis Padilla. Hindi pa man ito naipapalabas ay may bago na naman siyang project na sisimulan. “God is Good!” bulalas niya.

Dalawang anak ng dating sexy star Lara Moreno, pinasok na rin ang showbiz

Ang dalawang anak ng dating sexy star at longtime partner ng TV personality na si Paolo Bediones, si Lara Moreno (Mylene Sanchez) sa kanyang ex-husband, ang businessman na si Fausti Galang na sina Millen at Frost ay nasa pangangalaga na rin ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) na pinamumunuan ni Veronique del Rosario, second child ng top honcho ng Viva na si Boss Vic del Rosario, Jr.

Bukod sa magkapatid na Millen at Frost, lumagda na rin ng management and movie contract sa Viva ang tatlong pamangkin ni Lara, ang magkakapatid na sina Angela Morena, Stephanie at Micaela Raz.

Sa tatlo, may project kaagad ang magkapatid na Angela at Stephanie na magkasama sa pelikulang Sanggano, Sangago, Sangguwapo at Sanggay na pinamahalaan ng actor-director na si Al Tantay. Kasama rin si Stephanie sa part 2 ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar mula pa rin sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap at may bago siyang project na sisimulan.

vuukle comment

BAYANI AGBAYANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with