^

Pang Movies

Ali at Pat-P, magtatambal!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ali at Pat-P, magtatambal!

What do you think, Salve, ‘pag nagsama sa isang programa sina Ali Sotto at Pat-P Daza? Hindi ba riot dahil parehong non-stop at very articulate ang dalawa?

Grabe siguro ang discussion sa bawat issue dahil imagine mo na bawat isa sa kanila may kanya-kanyang atake. Isa pang maganda kay Ali at Pat-P, ‘yung sense of humor nila na talaga namang mataas ang kalidad kaya tiyak na kuha nila ang class A and B, at ang C at D dahil sa pagiging approachable at friendly nila.

Naku now pa lang excited na ako sa magiging resulta ng show ng dalawa, na hindi lang sa radio mapapakinggan kundi mapapanood pa rin sa TV. Go go Ali Sotto and Pat-P Daza, sure winner ang show ninyo, tiyak akong rater iyan, kayong dalawa pa, ang lakas ng charm at appeal noh! 

AiAi, walang atrasan pa-Amerika

Parang na-sad naman ako sa plano ni AiAi delas Alas na mag-migrate na sa USA. Para bang napakadaling basta ka na lang lilipat, pero dahil nandun naman ang dalawang anak niya at kasama naman niya si Gerald Sibayan. Pero mahirap din ang naging desisyon ni AiAi dahil nandito naman ang foundation niya, trabaho niya. Pero siguro nga madali namang magpabalik-balik kung kailangan talaga dahil mahal naman ni AiAi ang career niya.

Mabuti na lang at meron siyang isang Gerald sa tabi niya na nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya, nagmamahal at gumagabay ‘pag medyo may agam-agam siya sa kanyang desisyon.

Sana nga ay maging maganda ang future nila sa USA kasama ng mga anak niya roon, plus hindi naman madaling kalimutan ‘yung character ni AiAi delas Alas sa showbiz, kaya tiyak na ‘pag hinanap ang personalidad niya, balik-showbiz siya uli.

Best wishes, AiAi and Gerald.

vuukle comment

PAT-P DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with