^

Pang Movies

Epy, ‘di nagpasilaw sa P30M!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Epy, ‘di nagpasilaw sa P30M!
Epy.

Tinanggihan pala ng aktor na si Epy Quizon ang alok sa kanya na P30 million para gamitin sa pangangampanya ang kanyang advocacy song na Lukso Ng Dugo.

Inamin ni Epy na noong una ay nasilaw siya sa laki ng alok sa kanyang advocacy song, pero naisip niya na walang anumang halaga ang awitin na kanyang inilikha na bahagi ng kanyang Magkaisa PH advocacy for peace. “I was offered P30 million. I will not name who, but I was offered P30 million. And I could have paid everyone, the artists and all that. But no, I refused.

“Wala akong pera noon sa bangko... wala akong trabaho noong time na ‘yun, in-offer-an ako ng P30 million. Sabi ko ‘Tapos lahat ng problema natin nito ah. Napaisip ako, medyo nabulag ako ng mga two minutes.

“I refused the P30 milllion. There’s no amount anymore that can... Sinabi ko, ang sagot ko, ‘I can make you another one, but not this song. This song is not owned by me anymore. This song is owned by all the artists who are part of it. All these people who are with me right now, own it already.

“Kumbaga I’m just a representative for everyone who is part of the movement now,” paliwanag ni Epy.

May nag-alok din na tumakbo si Epy para sa isang posisyon in government sa 2022. Pero tinanggihan din ito ng aktor dahil naisip niya ang kanyang yumaong amang si Dolphy na ilang beses na hinika­yat pasukin ang politics, pero never itong kumandidato. “Ang daling maging hari, sabi nga ng tatay Dolphy ko. He used to be a king. But I was born and bred to be a jester. So why will I run for the kingship?

“Palagi niyang sinasabi nga na, ‘Ang daling manalo, pero paano kung manalo ako, anong gagawin ko diyan?’ Same here. I’m a storyteller, I’m not a politician,” diin pa ni Epy.

Mike Tan, nakasama na uli ang mga anak

Balik sa kanyang short hair ang Kapuso actor na si Mike Tan para sa sa teleserye na Love. Die. Repeat with Jennylyn Mercado and Xian Lim.

Bago raw siya nag-quarantine para sa naturang teleserye, pinagupit na niya ang long hair niya na pinahaba niya for one year simula nung magkaroon ng pandemya.

Ayon sa aktor, na-miss niya ang long hair niya at napapanood na lang daw niya ang dati niyang buhok sa teleserye na Nagbabagang Luha.

Kailangan daw ng bagong look kay Mike kaya kailangan niyang magpagupit na.

Para sa Love. Die. Repeat, balik din sa kanyang workout si Mike na ilang buwan din niyang hindi masyadong nagawa dahil sa pag-alaga ng dalawa niyang anak. Kaya nung mag-lock-in taping siya, kapag free day nila ay tinotodo niya ang pagbalik-alindog workout.

‘Yun nga lang, sobrang nami-miss ni Mike ang dalawang anak na babae tuwing nasa lock-in taping siya.

Pero balitang stop muna ang taping ng Love. Die. Repeat dahil nasa “interesting stage” ngayon si Jennylyn, kaya happy si Mike na makakasama niya ulit ang mga anak habang wala pa siyang sisimulan na bagong teleserye.

 

EPY QUIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with