‘Hiwalayan, parang aksidente!’
Sa hiwalayan Salve, parang isang aksidente. Pareho kayong nasaktan, pareho kayong naperwisyo.
Lagi kong katwiran, sa aksidente, walang tama o mali, pareho kayong naapektuhan. Mahirap ituro kung sino ang nagkamali, paano nag-umpisa, bakit ganito natapos etc.
Kaya nga dahil alam mo na parehong nasaktan, walang dapat i-analyze, basta mag-wish ka na lang na sana pareho silang maka-recover at parehong makakita ng happiness.
Nakakainis ‘di ba, pag may nangyayaring aksidente na turuan nang turuan kung sino ang may kasalanan? Kasi nga, pareho silang involved, hindi naiwasan, so naharap sa aksidente.
Parehong naabala, parehong nenerbiyos sa nangyari, so ang dapat umiwas at mag-ingat sa susunod.
Ganundin sa relasyon, dapat maingat ka, iwasan ang mga bagay na makakasira ng relasyon n’yo. Pero minsan kahit anong ingat at iwas mo, nangyari pa rin, wala kang magagawa.
Tanggapin mo naging kapalaran mo, at maging aral ito sa iyo para hindi na maulit.
So dapat, lalo na kung taga-labas ka lang at hindi kasali sa pangyayari, huwag gagawa ng hatol na harsh para bang alam na alam mo kung ano ang namagitan sa mga taong involved. Hayaan natin sila dahil sila lang ang nakakaalam ng tunay at ano ang dahilan. So be it.
Bakery mas lumakas ngayong pandemic
Talagang na-addict na ako Salve sa pita bread at beet root salad ng Bait Lehem.
Dahil kay Bammbi Fuentes nakilala ko si Mommy Tin na asawa ng Lebanese na baker ng Bait Lehem kaya authentic Middle east bread ang natitikman natin.
Iyon mga hummus nila, addict ang pamangkin kong si Vanessa na suki nila sa mga booth nila pag may market day sa Legaspi Village at Rockwell.
Talaga raw ang dami nilang suki sa mga ganitong crowd. Lagi sa salon shop ni Bambbi Fuentes si Mommy Tin na napaka-friendly kaya naman siguro kaya maraming suki ang Bait Lehem na ngayon daw ay lalo pa silang lumakas dahil sa online buyers.
- Latest