^

Pang Movies

Hoy, Love You nina Joross at Roxanne, nadugtungan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadugtungan ang kabanata ng pag-iibigan ng mga karakter nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap na sina Jules at Marge sa inaabangang season 2 ng Hoy, Love You ng ABS-CBN.

Sa ginawang celebrity screening kamakailan inanunsyo ang magandang balita sa mga tagasubaybay ng serye, na ikinatuwa rin ng cast at ng direktor nito na si Theodore Boborol.

“Sobrang blessed kami na tinangkilik kami ng mga tao sa iWantTFC. Bilang lang yung mga show na may season 2. So yung nagawa namin ang season 1, gusto lang namin magpasaya ng mga tao, especially ngayong pandemic and we are thankful and grateful na ginagamit din kaming blessing para magpasaya pa ng mga tao,” ani Direk.

Labis din ang pasasalamat ng bida ng serye na sina Joross at Roxanne dahil sa matagumpay nilang reunion project na kinunan pa rin sa Submarine Garden Beach Resort sa Lobo, Batangas. 

“Maraming maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta sa amin. Kung hindi  niyo talaga sinuportahan kami, hindi kami mapupunta sa platform na ‘to. Ngayon sana, suportahan niyo ulit kami sa season 2 para magkita kita tayo ulit,” ani Joross. 

Sumang-ayon naman ang leading lady niyang si Roxanne. Aniya, “Nasabi na nila ang lahat. From Tita Linggit to Direk, to the staff, to my co-actors, and sa inyong lahat, maraming, maraming salamat.”

vuukle comment

JOROSS GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with