^

Pang Movies

Dyowa ni Kris, walang anak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dyowa ni Kris, walang anak!
Mel Sarmiento.

May sagot si Kris Aquino sa mga nag-akalang ang tinukoy niyang special someone niya ay ang naka-past relationship niya. Sa nag-comment na akala niya si James Yap ang tinukoy ni Kris, ang sagot nito ay “so yesterday di ba?” at sa nag-isip namang si Phillip Salvador ang tinukoy niya, “KALURX” for kalurkey ang naging sagot ni Kris.

Sa nag-akalang si Willie Revillame, paulit-ulit na nitong sinabi na friends lang sila.

Sa mga nag-akala namang si Atty. Gideon Peña ang special someone niya, comment naman ni Atty. Gideon, “all I can say is he has a good effect on you, and we are happy for you. Other than that, I’m bound by the Privileged Communication Rule.”

May nag-post naman ng sagot ni Mr. Mel Sar­miento sa FB kung nasa Calbayog siya? “In Manila, with her. Yes, it’s true.” Ito ‘yung time na hiniram ni Mr. Sarmiento ang phone ni Kris at siya mismo ang sumagot sa basher, magkasama nga sila ni Kris.

Nag-comment naman ang isang pamangkin ni Mr. Sarmiento at ang sabi, “he’s a good dad and a genuinely wonderful man + he really has great taste. So glad you found each other!! You both deserve to be happy!”

Nakalagay sa Google, walang anak si Mr. Sarmiento, kaya naguluhan ang followers ni Kris kung bakit, may binanggit na “good dad” si Mr. Sarmiento. ‘Yun pala, dad ang tawag sa kanya ng kanyang mga pamangkin.

Bea, kumpirmadong hinihintay si Alden

Nakauwi na ng bahay si Bea Alonzo after ng 10-day quarantine nila ni Dominic Roque sa isang hotel pagkagaling sa Amerika. Tuwang-tuwa ang pet dog ni Bea sa kanyang pagbabalik at sa sobrang tuwa ng doggy, nakalmot si Bea sa leeg.

Parang pet dog nina Bea at Dominic si Walter dahil kung makatawag si Dominic sa aso, parang siya ang may-ari. Siyempre, inihatid ni Dominic sa bahay nila si Bea after their quarantine at hindi dahil sa magkasama na rin sila ng bahay.

Ngayong nasa bansa na, inaabangan na ang first guesting niya sa All-Out Sundays at iikutin daw niya ang shows ng Kapuso network. Hinihintay na siya nina Camille Prats at Iya Villania sa Mars Pa More at marami pa siyang show na puwede siyang mag-guest.

Mag-iikot lang siya sa Kapuso shows bago ang lock-in shooting nila ni Alden Richards ng kanilang pelikula na sa September 24 na ang simula.

At true bang si Alden din ang makakasama ni Bea sa teleserye?

Aga, nagulat sa ginawa ni Lea

Isa sa mga bumati ng happy birthday kay Aga Muhlach sa 52nd birthday nito noong August 12 ay si Lea Salonga. Nag-post si Lea ng old photo nila ni Aga at isinunod ang birthday greetings na “Only the bestest wishes for you on the 31st anniversary of your 21st birthday! Happy Happy! @agamuhlach.” Sinagot ni Aga si Lea ng “Wow!!! Thank you, Dear Lea! Nagulat naman ako dito! Hehe thanks again! Super appreciate it! Cheers!”

Ang daming bumati kay Aga gaya nina Sharon Cuneta, Dingdong Dantes, Marian Rivera na pareho sila ng birthdate. Pati sina Shaina Magdayao, Louie Heredia, Christine Babao, Eula Valdes, Karen Davila, Rocco Nacino, Bea Alonzo, Martin Nievera, Candy Pangilinan, Vhong Navarro, Ogie Alcasid at marami pa.

Kaya lang, hindi sila isa-isang sinagot ni Aga at ang sagot lang, “reading all your birthday wishes!! My heart is full. Maraming salamat!”

 

 

vuukle comment

MEL SARMIENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with