^

Pang Movies

Prima Donnas book 2, kasado na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Prima Donnas book 2, kasado na!
Wendell

Tuluy-tuloy na ang pagkakaroon ng book two ng teleseryeng Prima Donnas.

Last Monday, July 26, nagkaroon na sila ng Zoom story conference na dinaluhan ng cast na sina Wendell Ramos, Katrina Halili, ganoon din ang mga prima donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo, with Elijah Alejo, Vince Crisostomo, Wil Ashley, Julius Miguel at Eunice Lagusad. Absent sa storycon si Ms. Chanda Romero, pero kasama pa rin siya sa cast.

May mga nawala nang cast members sa book one, pero may mga bagong gaganap sa book two, sina Sheryl Cruz, Bruce Roeland at si Allen Ansay, ang first runner-up sa StarStruck 7 na tiyak na siyang magiging katambal ni Sofia, na pansamantalang nawala sa book one, dahil wala pa siyang 15 years old noon, na age requirement ng IATF. Last April, Sofia turned 15 kaya puwede na siyang bumalik sa serye. 

Present din si Philip Lazaro, associate director ng serye, and director Ms. Gina Alajar, na tamang-tama namang tapos na rin ang taping nila ng Nagbabagang Luha na ipalalabas na simula sa Monday, August 2 pagkatapos ng Eat Bulaga.

Ruru, pinaghandaan ang buwaya

Nasa isang resort sa Quezon ang cast ng Lolong, ang dambuhalang adventure-serye. Tampok sina Ruru Madrid, Shaira Diaz at Arra San Agustin. Doon na ang magiging set at tahanan ng show at ng buong cast at production staff.

Si Ruru ay si Lolong, isang binatang may kakaibang kakayahan na makipag-usap sa dambuhalang buwaya na tinawag nilang si Dakila. Excited na si Ruru na magawa ang mga eksenang nabasa niya sa script, at makatrabaho ang mga mahuhusay niyang co-actors tulad ni Christopher de Leon.

Bago sila sumabak sa lock-in taping, nagkaroon na ng paghahanda at training sina Ruru, Shaira at Arra, sa mga maaaksiyong eksena.

Legal wives, napuri

Nagpasalamat ang bumubuo ng cast at production staff ng family drama na Legal Wives sa pagti-trending ng world premiere nila last July 26, after ng The World Between Us sa GMA 7. Ilang sa comments, “world-class cultural drama; very unique and creative!”  “Thank you GMA for making a show for my Muslim brothers and sisters!” “Kudos to the whole team! Well-research, eye opener sa totoong nangyayari sa makulay na mundo ng mga kapatid nating Muslim,” pagbabahagi ng netizens.

WENDELL RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with