^

Pang Movies

Barbara, ‘di makalimutan ang kasimplehan ni pnoy

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Barbara, ‘di makalimutan ang kasimplehan ni pnoy
Barbara

Matindi rin ang pakikiramay ng konsehalang aktres na si Barbara Milano sa pagyao nI ex-president Benigno Aquino III.

Si Barbara ay naging konsehala sa Talavera, Nueva Ecija at matagal ding naging ‘kaibigan’ ang yumaong ex-president. Seven months din daw sila noong bago pa lang siyang nag-aartista.

Kuwento ng aktres, napakabait daw ni PNoy, matulungin at tahimik. Mahilig daw magbasa at makinig ng music.

Nagtataka nga ang sexy actress noon kung paanong napagsasabay ni PNoy ang pakikinig ng music at paggawa ng mga importanteng papeles, na nang makilala niya ito ay nagmamaneho ng kotse at iilan lang ang bodyguards.

Nananalangin si Barbara na sana’y maging mapayapa ang paglalakbay sa dako paroon ni dating Pres. Noy.

Richard, nagpapakita ng husay sa pagkokontrabida

Marami ang nagagalit kay Richard Gutierrez dahil sa mabagsik niyang papel sa FPJ’s Ang Probinsyano. Epektibo raw ang acting niya.

May komento na baka raw si Richard na ang bagong uupo sa trono ni the late Eddie Garcia.

Kasal nina Ara at Dave, walang bumubuking

Ninang sa kasal nina Ara Mina at Dave Almarinez sina Cong. Vilma Santos at Megastar Sharon Cuneta na nasa Amerika pa ngayon.

Ninong naman sina Vic del Rosario at Dondon Monteverde. Principal sponsor din si Ms. Cory Vidanes. Secondary sponsor snaman sina Jessa Zaragoza, Sunshine Cruz, Jenny Miller, Samantha Bernardo.

Nakatakdang ganapin ang maikokonsiderang bukas, Martes.

‘Yun nga lang kailangan nilang sumunod sa protocols.

Ano ba ‘yan pati kasal ba naman hihigpitan gayung matamlay na ang paligid sa pag-atake ng pandemonic COVID.

Ibang news naman sana, huwag pulos COVID. Nakakasawa na po kasi.

vuukle comment

BARBARA MILANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with