^

Pang Movies

GKNB mamimigay ng P1 milyon

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy ang saya at malalaking papremyo ng Game KNB? hatid sa Jeepney TV at kumu  worldwide dahil pwedeng manalo ng hanggang P1 milyon ang mga sasali sa pambansang game show simula sa June 25 (Biyernes).

Sa Game KNB’s Road to P1 Million campaign, mas pinalaki ang P10,000 daily cash prize na paghahatian ng mga player na makakasagot nang tama sa limang trivia-based questions sa ‘Pili-Pinas’ segment. Kada Biyernes simula June 25, pwedeng manalo ang mga sasali ng hanggang P100,000.

Mas lalaki pa ang papremyo sa mga susunod na Biyernes, kung saan pwedeng manalo ng hanggang P200,000 cash prize ang mga maglalaro sa July 2, hanggang P300,000 sa July 9, at hanggang isang milyon sa July 16. Diretso nang papasok sa kumu app wallet ng mananalo ang premyo.

Ang pinagsama-samang cash prize na aabot sa halagang P1.6 million ang pinakamalaking prize money na pwedeng mapanalunan sa kumu.

Nagsisilbi rin itong malaking pasasalamat sa higit isang milyong manonood na tumatangkilik sa Kapamilya channels na hatid ng Creative Programs, Inc. (CPI) sa nasabing Pinoy livestreaming platform, kabilang na ang GKNB @gknb na may halos 341,000 followers na sa kasalukuyan. 

Bukod sa #GKNB1MGiveaway, pwede rin manalo ng papremyo ang kumu-nity sa segment na Robi, Game KNB? kung saan ang unang makakasagot nang tama sa Question of the Day ay mananalo ng 10,000 kumu coins mula Lunes hanggang Huwebes at 50,000 kumu coins kada Biyernes.

Nasa ikatlong season na ngayon ang Game KNB? kasama ang host nitong si Robi Domingo.

Gameboys nasa Heart of Asia na rin

Good news para sa mga Pinoy Boys Love (BL) fans! Eere na sa Heart of Asia ngayong Pride month ang hit series na Gameboys simula Linggo, June 13.

Abangan ang pagdating ng web series na ito sa TV at tunghayan ang kuwento nina Cairo Lazaro (Elijah Canlas) at Gavreel Mendoza Alarcon (Kokoy de Santos) sa digital channel ng GMA.

Sa gitna ng COVID-19 pandemic at quarantine sa Luzon, magkakakilala sina Cairo at Gavreel sa isang online game. Si Cairo ay ang live-stream gamer na si ‘Caimazing’ habang si Gavreel naman ay si ‘Angel2000’. Nang matalo si Cairo sa kanilang naging laro, magyayaya siya ng rematch at aamin naman si Gavreel sa kanyang nararamdaman para sa kanya. 

Magkakamabutihan ang dalawa ngunit may mga tao silang makikilala at hahadlang ang kanilang mga personal na problema sa kanilang relasyon.

Mapagtagumpayan kaya nina Cairo at Gavreel ang hirap ng pandemya at kanilang mga hinaharap na pagsubok?

Mapapanood ang Gameboys tuwing Linggo, 11:00 PM, sa Heart of Asia channel via GMA Affordabox, GMA Now, at iba pang digital TV boxes. 

PH representatives, bumida sa Shanghai Int’l Film Online Market

Ipinagmalaki ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga iba’t ibang lokasyon, film incentives, mataas na kalidad na mga equipment, at ang mga malikhain at masipag na miyembro ng Philippine film industry sa International Film & TV Online Market na sabay na idinaos sa ika-24 na edisyon ng Shanghai International Film Festival (SIFF) at Shanghai TV Festival mula Hunyo 6 hanggang 14 sa isang hybrid na format.

Noong Hunyo 7, iprinisenta ng The Philippines - Let’s Create Together! ang The 10 Funtastic Reasons to Film in the Philippines, ang napiling pelikulang Pilipino na kalahok sa International Panorama Short Film Section, Excuse Me, Miss, Miss, Miss ni Sonny Calvento na produced ng Southern Lantern Studios, at ang anim na production companies na bumubuo ng Philippine delegation.

Ang North Luzon Cinema Guild, Digital Dreams Inc., Atom & Anne Mediaworks, Daluyong Studios, Globe Studios, at Man Overboard Productions ang delegate companies. Tampok ang limang proyekto sa kanilang company pages sa SIFF online platform at binigyan din sila ng complimentary passes at access sa mga online meetings at events.

“The Filipinos and the Chinese are still bound in affinity, historically and culturally. Our similarities and sensibilities as ethnic siblings are evident in our cities, our language, our businesses, and many artistic and cultural aspects,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño sa kanyang opening remarks.

Detalyado ring tinalakay ni Technical Consultant Agathe Vinson ng FilmPhilippines Office ng FDCP ang FilmPhilippines Incentives na handog ng pambansang ahensya ng pelikula: Film Location Incentive Program (FLIP), International Co-production Fund (ICOF), ASEAN Co-production Fund (ACOF), at Film Location Engagement Desk (FLEX).

Binigyan ng complimentary booth sa online market ang FilmPhilippines ng FDCP, kasama rito ang kanilang company page sa SIFF platform, complimentary passes, access sa online meetings at events, at ang opsyong idaos ang pre-recorded event sa platform — The Philippines - Let’s Create Together! na inilabas noong Hunyo 7 ng alas-5 ng hapon.

By the way, sa kasalukuyan ay pawang digital muna ang mga pelikula at wala pa rin talagang nakakaalam kung kailan ba magkakaroon ng operation ang mga sinehan sa bansa kaya pawang sa digital platforms pa rin napapanood ang ang mga pelikulang natapos na iilan lang.                                                                                                                                                                                                               

JEEPNEY TV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with