^

Pang Movies

Jerry Yan, may pinagseselosan sa Count...

Pang-masa

MANILA, Philippines — Iigting pa ang selosan sa pagitan nina Jerry Yan (Calvin Lu) at Shen Yue (Andi) sa pagpapatuloy ng kanilang love story sa Count Your Lucky Stars na  napapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Hindi na napigilan ni Calvin ang kanyang damdamin nang makitang muling magkasama sina Andi at boss nitong si Francis (Miles Wei).  Harapang tinanong ni Calvin si Andi kung may namamagitan ba sa kanila ni Francis na nauwi sa alitan.

Si Andi naman, mas nainis kay Calvin matapos isnabin siya nito sa sa isang party kung saan kasama ng lalaki ang kaibigan at co-worker na si Alexa (Li Yu Yang).

Samantala, mas lumalala na rin ang pagkalugi ng kumpanya na Yange na pinagtatrabahuan nina Andi at Francis. Kung tuluyan itong malasin, maaaring mawalan ng trabaho si Andi bilang fashion designer.

Tototohanin na kaya ni Calvin ang kanyang nararamdaman para kay Andi? Paano kaya masasalaba ang Yange? Abangan ‘yan sa Count Your Lucky Stars tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 pm.  

vuukle comment

JERRY YAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with