^

Pang Movies

Sam, litaw angalindog kahit buntis

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sam, litaw angalindog kahit buntis
Sam

Kahit buntis, maalindog pa rin ang aura ni Sam Pinto.

Sa isang recent Instagram photos pinakita niya ang baby bump niya na suot niya ay pink-colored bikini na kuha sa kanyang resort sa Baler, Aurora.

May caption ito na: “Can’t wait to enjoy it with you my little mermaid.”

Mia Aya ang magiging name ng baby girl nila Sam at ng mister niyang si Anthony Semerad.

Pinost ni Sam via her YouTube channel ang mga naganap sa virtual gender reveal party nila kamakailan. Habang buntis si Sam, nag-i-stay ito sa resort niya sa Baler.  Tahimik at maganda raw ang mga tanawin sa probinsya kumpara sa siyudad kaya hindi siya nakakaranas ng stress.

Thea, nakaramay si Mikee sa anxiety

Inamin ni Kapuso actress Thea Tolentino na nag-struggle siya with anxiety noong magkaroon ng pandemic last year. Nahirapan daw siya na nasa isang lugar lang nang matagal. “In-anxiety ako. Nanibago ako sa environment kasi ang tagal ko na kasing hindi nakakapag-stay ng ilang buwan sa bahay namin mismo.”

Kaya tinuon daw niya ang atensyon sa pain­ting at sa inampong alagang pusa para maibsan ang nararamdaman na anxiety. “I think I handle my anxiety well kasi hindi ako nagpalamon masyado. May mga times, siyempre, na nagpalamon ako sa anxiety but hindi ako nagpapatalo, naghahanap ako ng ways para malibang, para may malabasan ako ng energy ko.”

Kaya noong makapag-taping na raw ulit si Thea ng The Lost Recipe last year, natulungan daw sa kanyang anxiety ang makasama ang ibang tao. Lalo na’t naging close siya sa co-star na si Mikee Quintos.

“Importante ‘yung may mga nakakausap ka, mga friends mo, ‘yan. Sila ‘yung dahilan kung bakit sane pa rin ako. Iba pa rin kasi ‘pag may nakakausap ka, e. Iba ‘yung may nalalabasan ka kahit ba sabihin nila na nakakatulong ‘yung diary, iba pa rin kapag may sumasagot.  Ang madalas kong kausap d’yan nitong huli si Mikee. Minsan kapag wala akong ginagawa, kami ni Mikee, naka-open lang ‘yung phone namin ‘tapos ginagawa niya ‘yung work niya, ginagawa ko ‘yung work ko.

“Ganun ‘yung ginagawa namin ni Mikee para maging kalmado, maramdaman lang namin na kahit magkalayo kami, kahit mag-isa lang kami sa bahay or sa kwarto namin, napi-feel namin na may presence ng iba pang tao. Ang laking bagay.”

Mapapanood soon si Thea sa teleserye na Las Hermanas with Yasmien Kurdi, Faith da Silva, and Albert Martinez.

Miss Myanmar, protektado sa Amerika

Isang refugee na sa United States si Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin.

Winelcome si Thuzar sa Burmese community sa Indianapolis, Indiana at meron na siyang matatawag na asylum sa US. Ang naturang community ang tumulong din na maghanap ng trabaho kay Thuzar bilang model sa New York City.

Sa We Are JEM Model Agency magwu-work bilang in-house model.

Sa kanyang social media, pinost ni Thuzar na kasama siya sa isang gathering na organized ng ethnic Chin people living in the US.

Wala na raw dapat na ipag-alala si Thuzar dahil hindi na siya maaaresto dahil nakahanap na siya ng mga taong susuporta sa kanya sa panibagong buhay niya sa US.

vuukle comment

SAM PINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with