^

Pang Movies

‘Paghahanda sa pagharap kay St. Peter!’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
‘Paghahanda sa pagharap kay St. Peter!’

Alam mo Salve dun sa Koreanovela na Dear Friends nagkaroon na talaga ako idea na pag medyo malapit na ako sa departure area ng buhay, sa isang nursing home ako titira.

Ok siguro na alagaan ka ng mga kamag-anak mo o mga anak kung wala silang sariling pamilya. Saka imposible din na mabantayan ka nang mahabang oras kung may mga sarili din silang ginagawa. Isa pa, kung kokonti lang kayo sa pamilya, at lahat may trabaho, sino puwede tumingin sa iyo, lalo pa nga at matanda ka na at medyo ulyanin na.

Kaya mag-iipon ako ng pera na itatabi ko para pambayad sa isang magandang nursing home, iyon may sarili akong room at bathroom, iyon 24-hours ang caregiver, meron nurse at doctor round the clock.

I will feel better pa siguro pag ganun, wala akong aabalahin tao, iyon pag tsugi na ako saka na lang nila ako kunin sa nursing home. At least walang maiinis sa pagiging ulyanin ko o sa mood swings, dahil may bayad naman iyon caregiver.

Saka hindi ka naging pasanin dahil nga hindi mo kinuha iyon oras nila.

Dapat practical tayo sa buhay, kailangan din isipin natin na hindi lang sila may obligasyon, responsibilidad mo rin ang sarili mo.

Alam ko na sa mga Pilipino hindi uso ang nursing home dahil mas gusto natin na inaalagaan ang mga mahal natin hanggang mamatay, pero kawawa naman sila kung magiging masyado tayong pabigat sa kanila.

Kaya start na akong maghanap ng maganda nursing home, magtanong na ako magkano aabutin ng 1 year stay.

At pag pag-ipunan ko na iyon, now pa lang. Para alam ko na cost of production, pag mahina na ako, pa admit na ako, stay na ako dun, wait ko na tawagin number ko ni St. Peter.

At least, sosyal ako, itatawag na lang for pick up ang body ko. Hindi na magugulo ang mga maiiwan ko, subdued ang magiging dramatic scenes nila.

Di ba bongga, plano mo na lahat pati departure mo, pray na lang ako ng pray para buksan ang pinto ng heaven pagdating ko. Walang baggage, walang fear, walang regret. Happily accepting your fate. Amen.

KOREANOVELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with