^

Pang Movies

Jukebox king Victor Wood, namatay din sa COVID

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Jukebox king Victor Wood, namatay din sa COVID
Victor Wood

It was only last March 30 nang pumanaw ang OPM icon at isa sa mga Jukebox Queens na si Claire dela Fuente sa edad na 63 dahil sa killer virus, ang COVID-19.

In less than one month ay sumunod kay Claire ang original Jukebox King na si Victor Wood  kahapon, nang dahil din sa COVID sa edad na 75.

It was in 1970 nang sumipa nang husto ang kasikatan ni Victor Wood sa bakuran ng Vicor Music Corporation na pag-aari pa noon ng mag-pinsang Vic del Rosario at Orly Ilacad.

Sikat na sikat na noon sina Nora Aunor sa bakuran ng Alpha Records gayundin si Eddie Peregrina sa D’Swan Records nang magsimula si Victor sa Vicor.

Naging sunud-sunod ang paggawa ng albums noon ni Victor sa bakuran ng Vicor at kabi-kabila rin ang kanyang mga hit songs tulad ng I’m Sorry My Love, Carmelita, Sonata of Love at marami pang iba

Nang unti-unting lumamlam ang kasikatan ni Victor ay umalis ito patu­ngong Amerika kung saan siya namirmihan sa loob ng maraming taon pero nagdesisyon itong bumalik ng Pilipinas at sinubukang i-revive ang kanyang career pero marami nang bagong new singers ang nagsulputan .

Pumasok din si Victor sa pulitika noong 2007 nang siya’y kumandidato sa pagka-senador pero siya’y natalo.

Victor never regained his popularity bilang singer at actor. Pero bago siya pumanaw ay naghu-host siya ng Sunday musical show na Beautiful Sunday on Net 25.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilyang iniwan ni Victor.

VICTOR WOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with