^

Pang Movies

Aktres na kasal na sa celeb din, ‘di nakayanan ang pambubugbog ng ex na pulitiko

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagpaabot ng balita sa amin na isang battered girlfriend umano ang isang actress ng kanyang dating nobyo na isang dating politician na ang ama ay minsan ding naging pulitiko kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Mahal na mahal umano ng aktres ang kanyang ex-boyfriend pero hindi na umano nito nakayanan ang ginawang pananakit sa kanya kaya niya hiniwalayan ang nobyo.

Happily married na ngayon ang aktres sa isang celebrity husband at meron na silang isang anak.

Ang aktres ay na-link din noon sa isa pang anak ng isang  pulitiko.

Aktres at pulitiko na dalawang taon nang hiwalay, walang balak magpa-annul

Mahigit dalawang taon na ring hiwalay ang aktres na ito sa kanyang politician husband pero hindi nagsasalita ang dating mag-asawa na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay alang-alang sa kanilang mga anak.

May third party sa side ng guy na matagal nang alam ng aktres hanggang dumating sa punto ng kanilang separation.

In fairness naman sa guy, well provided ang kanyang ex-wife maging ang kanilang mga anak at magkaibigan pa rin ang kanilang turingan hanggang ngayon.

Pero paano na lang kung ang aktres naman ang makatagpo ng bagong mamahalin?

Although hiwalay na ang dating mag-asawa, hindi pa rin annulled ang kanilang kasal at walang nagmu-move sa dating couple na ipasawalang-bisa ang kanilang marriage.

Klaudia, nakaraos na sa kahirapan sa US

Nakapanumpa na bilang isang US citizen ang US-based actress na si Klaudia Koronel (Milfe Dadula in real life) last Tuesday, March 23. Ngayong isa nang ganap na American citizen ang dating sexy star ng Seiko Films, tiyak na ipi-petition na nito ang kanyang teenage son. Hindi naman umabot sa kanyang pagiging US citizen ang kanyang ina na namayapa noong nakaraang June 2020.  Ang masakit, hindi man lamang ito nasilayan ni Klaudia sa huling pagkakataon dahil sa lockdown at travel restrictions dahil sa pandemya.

Aminado si Klaudia na hindi `bed of roses’ ang kanyang naging buhay sa Amerika kung saan din siya dumanas ng depression at planong pagpapatiwakal. Gayunpaman, nalagpasan niya ang lahat ng trials na kanyang pinagdaanan pati na ang paghihiwalay nila ng kanyang mister, ang Chinese-American businessman na si Andy Zhang na kanyang pinakasalan sa Pilipinas. Hindi sila nagkaroon ng anak.

Si Klaudia ay na-discover ng Seiko Films producer na si Robbie Tan habang ito’y nagtatrabahong waitress sa isang restaurant. She was later launched bilang isang sexy star bilang kapalit noon ni Rosanna Roces na umalis na ng Seiko matapos mag-expire ang kanyang kontrata. Ilan sa mga pelikulang ginawa noon ni Klaudia sa bakuran ng Seiko Films include Walang Dayaan, Akin ang Malaki  Linggo Lang ang Pahinga…Dapat Lang, Pisil at marami pang iba.

vuukle comment

KLAUDIA KORONEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with