^

Pang Movies

Beth, maagang nakuha ang birthday gift!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Beth, maagang nakuha ang birthday gift!
Beth

Baby girl ang ipinagbubuntis ngayon ng San Francisco, California, USA-based actress na si Beth Tamayo sa kanyang second husband, ang American na si Adam Hutchinson.

Thirteen weeks na ang nasa tiyan ni Beth na nabuo sa pamamagitan ng IVF (in vitro fertilization) procedure. Nalaman naman agad ang gender ng ipinagbubuntis ngayon ng actress sa pamamagitan ng genetic test.

It was last January 5, 2021 nang i-transfer kay Beth ang developed embryo nilang mag-asawa. It could have been much earlier pero nagkaroon ng health problem dahil tumaas ang kanyang blood pressure kaya ito’y naurong.

Bukod sa family at mga kaibigan ng mag-asawa sa Amerika, agad ipinarating ni Beth ang magandang balita sa kanyang mom na nasa Pilipinas na, si Mommy Zeny maging ang kanyang best friend at kumare na si Judy Ann Santos.

Si Adam ay nakilala ni Beth nang siya’y mag-relocate sa San Francisco, California matapos ng ilang taong pamamalagi sa New York City.

Inamin sa amin ni Beth na hindi umano naging madali ang kanyang buhay sa Amerika magmula nang siya’y umalis ng Pilipinas noong December 2008. Sa Los Angeles, California siya nag-stay sa loob ng dalawang linggo bago siya nagdesisyon na lumipad patungong New York kung saan siya sumubok sa iba’t ibang odd jobs tulad ng pagiging baby sitter ng isang Colombian family, pagiging cashier ng Victoria’s Secret, pagiging receptionist-waitress ng isang restaurant bago siya nakakuha ng admin work sa isang tanggapan hanggang maging isang executive assistant siya sa isang Singapore investment company in New York until she was assigned in San Francisco, California.

Thankful si Beth sa kanyang present husband dahil magkasundung-magkasundo sila sa maraming bagay.

Kinu-consider naman ni Beth na advance birthday gift niya ang kanilang magiging first baby ni Adam dahil nakatakda niyang itong iluwal either on her upcoming birthday on September 21 o ‘di kaya on September 24.

vuukle comment

BETH TAMAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with