^

Pang Movies

Sandy, tatlong taong nag-Break sa pag-arte

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Wow, Salve A., curious kaming mapanood muli si Sandy Andolong na nearly three years ding nawala sa TV, at ngayo’y gumaganap bilang ina ni Sanya Lopez sa bagong series, where Sanya plays the title role, First Yaya.

Gumaganap bilang ina ni Toni Gonzaga sa sitcom na Home Sweetie Home nang huling mapanood namin si Sandy. Bigla na lang nawala ang kanyang karakter sa Home Sweetie Home na sinundan ng disappearance din ng mga papel na ginagampanan both nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Yes, in the same series.

Well, somehow, alam na natin ngayon what happened kina John Lloyd at Ellen.

In the case of Sandy, i-welcome na lamang natin ang kanyang pagbabalik-TV. Ang bata pa rin ng kanyang dating at 59. At wari mo’y hindi nagkakasakit.

Husband Christopher de Leon is 64.

Yaya…, may mga eksena sa Malacañang

Sanya’s supposed amo in the First Yaya is Gabby Concepcion, who plays a Philippine vice president and later, president. Mga anak ni Gabby, na ang el­dest ay ginagampanan ni Cassy Legaspi, ang inaalagaan ni Sanya.

Cassy, 20, as we all know, is one of the twins of Zoren Legaspi at Carmina Villarroel. Si Mavy naman ang kanyang twin brother.

Nagsimulang isahimpapawid ang First Yaya, directed by LA Madridejos, kagabi, March 15.

By the way, tanong lang: did we hear it right na may ilang eksena raw na kukunan mismo sa Malacañang?

May short but special participation daw si Boots Anson-Roa sa First Yaya, na ayaw lang idetalye kung ano.

It is Jean Garcia, who is playing supposedly the first wife ni Gabby, bilang vice president, na namatay.

Pilar Pilapil plays Gabby’s mom. Pilar, like Sandy (Andolong) has long been out of the showbiz scene, too.

Another senior star featured in First Yaya is Boboy Garovillo, who plays Gabby’s dad naman.

Boots at Atty. King, naka-anim na taon na!

Of Boots, do you know na six years na sila ng kanyang husband na si lawyer King Rodrigo?

She’s now 76 years old; Atty. King, 80.

Boots still holds her position bilang presidente ng Mowelfund, considered the SSS (Social Security System) ng local showbiz.

Malaking tulong, lalo’t ngayong hindi aktibo ang showbiz, sa members ng Mowelfund, organization which former President and Manila Mayor Joseph Estrada, organized and put up nearly 50 years ago.

Salamat din sa magandang pamamahala ni Mrs. Rodrigo.

SANDY ANDOLONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with