^

Pang Movies

Gary at Bernadette, gusto pang maka-lalake

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinagad-sagad yata ni Gary Estrada ang kanyang bakasyon nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Kasama ang kabiyak na si Bernadette Allyson at tatlong anak na babae ay nagtungo sila sa Boracay.

Hindi nila sinayang ang bawat sandali ng kanilang bakasyon.

Biro naman ng ilang malalapit na kaibigan ni Goryo, pinag­han­daan daw talaga ng actor ang ­ho­liday season at ninais maglibot sa iba’t ibang magagandang lugar sa isla.

Tuloy hindi rin maiwasang may magbulong na baka ito na rin ang second honeymoon nila ng wifey na si Berna at masundan pa ang kanilang mga prinsesa… at this time ay magka-junior na sila.

Anak nina Jeric at Monica, nag-trending

Dahil sa pakiusap ng mga kaibigan at fans, napilit din pala si Janina Raval na kumanta nang live via Facebook. But without knowing, may makukulit na inilagay ito sa YouTube kaya ­la­king gulat ni Janina na bigla siyang nag-trending. “First time ko nag-live kaya nagulat ako. Ang dami nag-response at dami nag-share in an hour,” nasambit ni Janina.

Noon pa pala hinihiling ng fans ni Janina na mag-live sa social media pero urong-sulong ang dalagang anak nina Monica Herrera at Jeric Raval.

Minsang pinlano ng recording artist ng Viva Records na mag-concentrate sa singing career, pero nagbabago rin agad ang pasya nito.

Ngayong nakatanggap siya ng magagandang pa­puri at marami ang naaliw na viewers, ito na kaya ang maging simula para pagtuunan niya ang pag-awit?

Dating bold actor, pinagnanasahan pa rin

Hindi na kami nasa-shock o nagtataka sa nalaman naming hanggang ngayon pala ay may mga natatanggap pang indecent proposal ang GMA 7 director na ngayong si Bobby Benitez.

Para maniwala kami, ipinakita at pinabasa pa ni Bobby sa amin ang mga mensahe. “Kung noong araw sana yan na bata pa tayo at mapusok ayos lang yan, hahaha,” at natawa lang ang dating bold actor na inilusyon ng lahat, matanda, bata, bading at matrona.

Pailing-iling lang naman ang misis ni Bobby at pangisi-ngisi ang mga anak habang ipinagmamalaki sa amin ang mga text ng mga babae at bading na nag-aalok ng isang gabing ligaya’t aliw sa anumang halaga.

vuukle comment

GARY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with