Cardi B at Rita Ora, nag-sorry sa pagpa-party
Binash sa social media sina Cardi B at Rita Ora dahil sa pag-host nila ng party sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ora reportedly paid a £10,000 COVID-19 fine pagkatapos nitong mag-host ng 30th birthday party at sa Casa Cruz in London na under lockdown restrictions.
Nag-apologize si Rita sa kanyang nagawa via Instagram Story video. “I attended a small gathering with some friends to celebrate my 30th birthday. It was a spur-of-the-moment decision made with the misguided view that we were coming out of lockdown and this would be OK...I’m deeply sorry for breaking the rules and in turn understand that this puts people at risk. This was a serious and inexcusable error of judgment. Given the restrictions, I realize how irresponsible these actions were and I take full responsibility.”
Si Cardi B naman ay nag-host ng Thanksgiving gathering, with 12 kids and 24 adults. Sa isang video, walang mask si Cardi at ang mga guest habang nagsasaya.
Na-bash si Cardi sa social media dahil sa ginawa niyang ito. She later tweeted an apology: “Sorry my bad wasn’t trying to make nobody feel bad. I just had my family in my home for the first time and it felt so good & uplifted me. I spent soo much money getting every1 tested but it felt worth it. I wasnt trying to offend no1. Everyone that works around me get tested literally 4 times a week.”
JakBie, hindi first love at first sight
Sa latest vlog ng Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, pinakilig nila ang kanilang subscribers nang binalikan nila ang naging first date.
Ayon kay Barbie, ang first official date ay group date kasama ang ilang friends. Nataon na nag-cancel ang mga kasama nila kaya naging solo date bigla ito ng dalawa.
Inamin din ni Barbie na may feelings na raw siya para kay Jak sa first date nila.
Si Jak naman ay may crush na kay Barbie noong una silang nagkatrabaho sa show na Maynila. e.
Misis ni Jamir, gustong ipa-release ang mga kanta ng asawa
Wish ng misis ng yumaong Pinoy rock singer na si Jamir Garcia na ma-release ang mga sinulat nitong songs habang naka-quarantine sila. Ayon kay Sojina Jaya Crisostomo ay isang magandang paraan iyon para ma-honor ang legacy ni Jamir. “Kung ako lang ang masusunod, dapat ma-release na ‘yon kasi pinaghirapan niya ‘yon nu’ng lockdown. Ipapaubaya ko na lang ‘yung desisyon sa dalawang naiwang band members,” sey pa ni Sojina.
Anim na songs ang iniwan daw ni Jamir sa kanyang bandmates sa Slapshock na sina Lean Ansing, Jerry Basco, Lee Nadela and Chi Evora. Pero nasa binggit ng pag-disband ang grupo dahil sa financial issues.
Bago pumanaw si Jamir, nakipag-usap na raw ito with Polyeast Records para sa release ng kanyang mga bagong recording.
Since 1999, na-release ng bandang Slapshock ang mga album na 4th Degree Burn, Headtrip, Project 11-41, Novena, Silence, Kinse Kalibre and Atake.
Naging hit singles nila ang Carino Brutal, Ngayon Na, Agent Orange, Misterio, Sigaw and Anino Mo.
Iki-cremate ang remains ni Jamir pagkatapos ng two-day wake sa St. Peter Memorial Homes Quezon City. Ang kanyang ashes ay mananatili sa bahay nila ni Sojina sa Project 8, Quezon City.
- Latest