^

Pang Movies

Phoemela, preggy sa ex ni Rhian Ramos

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Preggy si Phoemela Barranda at bongga ang pictorial niya sa Preview magazine kung saan, ipinakita nito ang malaking tiyan. May isang photo si Phoemela na hubo’t hubad siya at ang right arm at palm lang ang nakatakip sa kanyang boobs. Ang husay ng photographer at pose ni Phoemela mismo dahil walang nakita sa kanya, walang nasilip at ang malaking tiyan lang niya ang nakita.

Hindi lang mga female celebrity ang nag-comment sa sexy at daring photo ni Phoemela dahil pati sina Janno Gibbs, Paolo Paraiso, Albie Casiño, Sam YG, Drew Arellano, Kim Atienza, Bryan Revilla, napa-comment din.

Nalaman pala namin na ang ama ng baby ni Phoemela na si Jason Choachuy ay ex-boyfriend ni Rhian Ramos. Sabi ni Phoemela, second child na niya ang ipinagbubuntis at first child naman ni Jason.

Dolphy museum, may groundbreaking na

Nag-groundbreaking na pala ang tinawag ni Eric Quizon na Dolphy Manor na sabi ni Eric, “On this site will rise my Dad’s museum and will house his brood. With this endeavour, we the Quizons will preserve his legacy and it will be open for all Filipinos and the world to see. Thank you Xceed Realty and Development, headed by Dom and Mercy Villanueva for making this possible. The Quizons will forever be grateful. Special shoutout to @zsazsapadilla for being there always.”

Sa hashtag ni Eric sa kanyang post nakalagay ang #dolphymanor, #calatagan at #batangas na ibig sabihin, sa Calatagan, Batangas itatayo ang museum ni Dolphy. Same area ito ng Dolphyville Estates, ang gated community na itatayo rin ng pamilya ni Dolphy at Xceed Reality and Development.

Speaking of Eric, isa siya sa tatlong directors ng first Christmas serye ng TV5 na Paano Ang Pasko, produced ng The IdeaFirst Company for Cignal TV. Katulong niya sa pagdidirehe ng magandang Christmas serye sina directors Perci Intalan at Ricky Davao. Sa Monday na, 9:00 p.m., ang premiere nito.

Sa Zoom interview sa tatlong directors at writer/creator ng project na si director Jun Lana, sinabi nilang ipapakita sa serye ang kahalagahan ng pamilya, na kahit ano pa ang mangyari at kung anong problema ang dumating, ang pamilya lang ang masasandalan at makakatulong.

Kasama sa cast ng Paano Ang Pasko si Elijah Canlas na pinuri nina Eric, Perci, at Ricky. “He does his homework and he comes to the set armado, alam niya ang paghuhugutan niya ng emosyon at alam niya ang nangyayari. There are two things I admire in an actor, one is if he listens and two, if he does his homework. Parehong na kay Elijah ‘yun,” sabi ni Eric.

Heart, sariling pera ang pinang-aayuda

Tuloy ang pagtulong ni Heart Evangelista sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses at pati sa mga estudyanteng kailangan ng tablets, ito ay kahit naba-bash siya na wala raw ginagawa, hindi nagbubukas ng wallet para tumulong.

Hindi updated ang basher at hindi rin yata nito alam na nagpapa-auction na ng kanyang mga gamit at mamahaling mga damit si Heart para may gagamitin siya sa pagtulong. Bukod sa Filipiniana dress na mabilis nabili for P20,000, ipina-auction din nito ang pink Balmain blazer for P25,000, parehong nabili na ang dalawa. Ipina-auction din ni Heart ang kanyang mother-of-pearl disco ball for P15,000.

Ang maganda rito, each item na mabibili, Heart will match the same amount mula sa sarili niyang savings, kaya malaki at madodoble ang maitutulong niya sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Samantala, sa Monday na magsisimula ang airing nang ibinabalik ng GMA 7 na rom-com series na My Korean Jagiya na pinagtambalan nila ng South Korean actor na si Alexander Lee. Sa direction ni Mark Reyes, partly shot sa ilan sa most scenic spots ng Korea ang series na napapanood sa mga K-dramas gaya ng Nami Island, Namsan Park, Love Paddocks, N Seoul Tower at Daejanggeum Park.

vuukle comment

PHOEMELA BARRANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with