^

Pang Movies

Showtime, trending ang pagbalik sa free TV

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Showtime, trending ang pagbalik sa free TV

Number one trending kahapon sa Twitter ang pagbabalik ng It’s Showtime sa free TV via via Zoe A2Z Channel 11, proof na talagang na-miss ng madlang pipol ang kanilang paboritong noontime show.

Gamit ang hashtag na #ShowtimeKumpletoAngAraw, kanyang-kanyang post ang mga netizen ng mga larawan at videos na kuha sa kanilang TV and expressed their happiness sa pagbabalik ng kanilang fave show.

Karamihan nga sa caption na mababasa ay “welcome back on free TV, It’s Showtime,” at “congratulations.”

Sa opening number pa lang na series of songs and dance numbers ay napakasaya na ng atmosphere at kitang-kita ang taas ng energy ng mga host sa pangu­nguna ni Vice Ganda.

Kumpleto ang mga host at maging si Anne Curtis na nasa Melbourne, Australia ay naki-join din via video streaming. “Sabi ko sa inyo, di ba? Better days are here!” ang bungad ni Vice in high energy sa opening remark.

“Thank God it’s Zaturday. Thank God it’s Zuper amazing. Thank God it’s Zoe,” dagdag pa niya.

“It’s a beautiful day. Ang ganda ng mga linya nun’g kanta kanina na ‘I can see clearly now, the rain is gone.’  Di ba? This is the rainbow that I have been praying for, we have all been praying for.

“Thank you, Lord! Ang saya po namin. We are celebrating kasi ang ganda ng araw na binigay n’yo sa ating lahat, di ba? We are celebrating kasi nakakakita tayo ng rainbow, ng liwanag, ng dahilan sa pagngiti, magkakasama tayo sa free TV na naman, ang saya no’n,” pahayag pa ng Unkabogable Star.

“Umiikot ang mundo, hindi pwedeng lagi tayong malungkot, may mga saya, umiikot ‘yan, at itong pag-ikot, masaya tayo ngayon na kapiling po kayo ulit, maraming salamat,” aniya pa.

Si Kim Chiu naman na bagong dagdag sa It’s Showtime family ay napaiyak pa dahil sa labis na kaligayahan.

“Wala, masaya lang,” wika niya nang tanungin siya ni Vice kung bakit siya umiiyak.

“Ang sarap na lumuha na masaya ang dahilan, di ba?” sabi naman ni Vice.

PPP, sama all ang panawagan

Kahit may pandemya ay tuloy na tuloy pa rin ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Ito ang deklarasyon ng Film Development Council of the Philippines chairperson na si Liza Dino and in fact, naghahanda na sila ngayon ang ika-apat na edisyon ng naturang festival.

Isang malaking pagtitipon ng samu’t saring pelikula ang ika-4 na edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magpapalabas ng hindi bababa sa 145 na pelikula — 67 na full-length films at 78 na short films.

Bilang organizer ng PPP, inaanyayahan ng FDCP ang lahat ng stakeholders na magsama-sama at magkaisa para sa industriya ng pelikula.

 Sama All! ang kanilang slogan, na gaganapin mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15.

“This year’s PPP may be different, but I assure that it will continue to celebrate the heritage and potential of our film industry by spreading the love for Philippine Cinema. The festival will also promote solidarity because ultimately, PPP 4 is one way to help sustain the Filipino film industry in light of the pandemic’s devastating effects,” sinabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza.

Maliban sa QCinema, Sinag Maynila, Sine Kabataan, at CineMarya, tampok din sa PPP4 ang mga pelikula mula sa iba’t ibang producer at mula rin sa Cine­malaya Philippine Independent Film Festival, CineFilipino Film Festival, at ToFarm Film Festival. Ipapalabas ng Special Screenings section ang Mula sa Kung Ano ang Noon ni Lav Diaz.

Para sa updates sa karagdagang PPP4 titles at iba pang impormasyon, bumisita sa FDCPchannel.ph o facebook.com/FDCPPPP.

PISTA NG PELIKULANG PILIPINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with