^

Pang Movies

Charee may lockdown baby din

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Charee may lockdown baby din

Kasali rin sa nagkaroon ng quarantine baby sa local showbiz ngayong taon ang actress-politician na si Charee Pineda.

Buntis si Charee sa first baby nila ng kanyang mister na si Martell Soledad. Pareho silang naging konsehal ng Valenzuela City.

Pinost ni Charee via Instagram ang sonogram ng kanilang magiging first baby. “And we’re three! Happy birthday, Daddy Tetel! Love you!”

Kinasal sina Charee at Martell noong nakaraang February 28, 2020 after seven years ng kanilang relasyon. Si Martell ay pinsan ng former Valenzuela City councilor Shalani Soledad-Romulo.

Ilan sa  celebrities na bumati sa pagiging buntis ni Charee ay sina Meg Imperial, Ina Feleo, Yasmien Kurdi, Precious Lara Quigaman and Helga Krapf, Shalani Soledad, Devon Seron, and Mike Tan.

Huling napanood si Charee sa GMA-7 teleserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka at Mulawin Vs. Ravena.

Chariz Solomon pabor sa online classes

Pabor ang Bubble Gang comedian na si Chariz Solomon sa online schooling ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng bagong school year sa Agosto.

May dalawang anak si Chariz na sina Apollo at Ali, at mas mainam daw ang virtual learning para ligtas ang mga bata dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng COVID-19 patients sa bansa.

“Kung tayo ngang mga adults, ‘di ba takot na takot tayo lumabas, lalo siguro kung para sa mga anak natin na ayaw nating lumabas. So okay naman basta accredited naman ng DepEd ang kanilang online school. Mag-start na rin sila,” sey ni Chariz.

Mas okey nga raw kay Chariz ang online schooling dahil mas matututukan pa niya ang kanyang mga anak kapag nasa bahay lang ang mga ito.

Sa ngayon, virtual din ang paglabas ni Chariz sa mga social media accounts ng GMA-7 dahil wala pang taping schedule na pinapatupad para sa teleserye na Descendants of the Sun.

Patrick Starrr Pinoy na Pinoy ang ginawang negosyo

Binigyang importansya ng YouTube star at Filipino-American beauty guru na si Patrick Starrr ang kanyang Pinoy heritage sa pag-launch ng kanyang sariling cosmetic brand na ONE/SIZE at ang makeup-remover na GO OFF.

Sa kanyang IG post, pinost ni Patrick ang eye makeup collection niya.

Ang first shade sa palette ay may pangalan na Manila Sands na isang creamy vanilla shade na bagay sa lahat ng skin tones. The palette also includes a shade called Mango na pagbigay pugay niya sa masarap na Philippine Mangoes. “Kasi ako Pilipino, okay? Ang namit-namit ng mango,” sey pa ni Patrick.

Patrick Starrr is Patrick Simondac in real life. Pinanganak siya sa Orlando, Florida to Filipino-American parents. Isa siya sa biggest beauty content creators sa YouTube at nakilala bilang isa sa first “men in makeup” on YouTube.

Ilan sa mga nakatrabahong celebrities ni Patrick ay sina Tyra Banks, Kim Kardashian-West, Jessica Alba, Ashley Tisdale, Gigi Hadid, Katy Perry, Rihanna, Madelaine Petsch, Paris Hilton at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

vuukle comment

CHAREE PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with