^

Pang Movies

Lock-in taping hindi puwedeng magsayang ng oras

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi lang artista ngayon kundi mga director ang dapat meron reality bites. Kung dati ok lang ang paulit-ulit na take sa isang eksena, iyong kaartehan na dapat tagalan ang eksena, iyon tipong puwedeng take your time ang drama, ngayon dapat ayos na ayos ang sked ng bawat taping o shooting.

Imagine kung naka-lock-in ang isang artista at hindi siya gagamitin masyado ng director, iyon inip at nasayang na oras ng artista, grabe ‘di bah!

Tiyak na magkakaroon ng mutiny sa set dahil sure na pag nakaramdam ng cabin fever ang mga nandun, magrereklamo iyan.

Ok na nga mag-sacrifice sa lock-in, okey na rin na may discount sa talent fee, ok na rin low standard iyon place ng accommodation n’yo o tipirin ang budget ng catering, pero iyon mag-aksaya ka ng oras na walang ginagawa, eh no taping, no pay, wow, trouble in paradise iyan.

Kaya dapat talaga, bago simulan ang taping, bago mag-isip na paandarin ang production, dapat talaga plantsado ang lahat, lahat nang puwedeng gawin. Or else, masasayang lahat ng pagod.

Fans nawalan na ng gana sa kanilang mga idolo

May mga nagaganap na ngayon na Zoom media conference.

Bongga ang mga showbiz writer na meron high tech phones, nakakasali sila. Talagang high tech na lahat, nabago na ang mundo.

Tipid na sa pagkain dahil naka-Zoom na nga ang mga mag-i-interview. Pero ewan ko kung ganun pa rin ba ang excitement ngayon ng tao sa celebrities.

Ewan ko rin kung isa sa realism na na-feel ng tao iyon diversion lang talaga ang naibibigay ng isang celebrity. Iyon mga program na libre, may malaking pa-premyo, iyon ngayon ang kinakagat nila.

Kaya nga kahit replay na programa ok sa kanila dahil parang dahil sa pandemic naglagay na rin sila ng konting detachment sa kanilang mga iniidolo.  Mukhang naisip nila na pagganito pala kahirap ang buhay, hindi naman sila kayang tulungan ng mga idol na hinahangaan nila.

Sana nga mali ang assumption ko, sana nga short time lang din ang pagkawala ng interest nila, sana nga balik-init uli pag nandiyan na uli at normal na takbo ng lahat. Sana nga, sana nga.

SHOWBIZ

TAPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with