^

Pang Movies

Online concerts, binagyo rin!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

So, kumusta ka naman, Ateng Salve? Naapektuhan ka rin ba ng pananalasa ni Bagyong Ambo noong isang araw?

Ay, naku! Sandali lang ang bagyo, pero marami ang naapektuhan, huh!

Ang mag-asawang Ogie at Regine Alcasid, hindi natuloy ang Bayanihan Musikahan na Big Friday Special dahil marami ngang lugar sa Metro Manila ang nag-brownout at affected ang internet, kaya sa Wednesday na lang daw nila itutuloy ‘yon.

Sabi ni Ogie nang maka-text ko kahapon, “We decided na i-move nga ‘yon on May 20 at mapapanood pa rin sa Facebook fan page ko, sa Bayanihan Musikahan Facebook page at sa Smart.”

Two hours concert special ‘yon ng mag-asawa na nagnanais na makatulong sa mga Filipino na affected ng COVID-19 pandemic.

Affected din ng nasabing bagyo ang nightly Facebook live kantahan at tsikahan ni Martin Nievera sa kanyang official Facebook page.

Simula kasi ng lockdown ay gabi-gabi ang pagla-live ni Martin (puwera noong Holy Week), pero dahil nga sa bagyo, wala ‘yon noong isang gabi at nangako naman ang Concert King na magre-resume siya kagabi.

Ang Huntahan Musikahan naman na nakatakda rin sana noong isang gabi ay hindi rin natuloy.

Dapat ay sina Martin at Pops Fernandez ang special guests doon ni Maestro Ryan Cayabyab, pero nag-decide sila na i-reschedule ‘yon on Wednesday.

Kris nakikinig na sa reklamo ng katawan

Kahapon ay ka-chat ko naman si Alvin Gagui, isa sa mga tauhan ni Kris Aquino.

Ang live Facebook session sana kagabi ni Kris ang topic ng chat namin. Pero hindi ‘yon itinuloy ni Kris.

Sabi ni Alvin, nagpapahinga raw si Kris habang magka-chat kami.

In-announce nga ni Kris na bukas na lang daw ang live FB session niya dahil kung noon daw, i-ignore lang niya ang migraine headache, fibromyalgia, at PMS niya dahil nga “Saturdate” niya ‘yon sa kanyang followers, natuto na raw siya ngayon to really listen to her body at i-prioritize ang kanyang health, kaya sabi nga ni Alvin, literal na nag-raincheck sila kagabi.

Pero since hindi nga raw natuloy ‘yon kagabi at marami ang naghintay, mamimigay ng prizes si Kris sa mga tututok sa kanyang live FB session bukas.

Walo raw ang mananalo ng P3,000 each, lima ang makakakuha ng P4,000 each at lima rin ang mananalo ng P5,000 each mula kay Kris.

Ang bongga!

‘Yun na!

vuukle comment

BAGYONG AMBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with