^

Pang Movies

DZMM biglang nag-off the air pagbalik ni Noli

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
DZMM biglang nag-off the air pagbalik ni Noli

Akala namin pabalik na nga sa normal nang magbalik na si Kabayang Noli de Castro sa kanyang programa sa radyo, DZMM, at nakita na rin namin sa telebisyon ang kanilang morning show na mahigit isang buwan nang wala. Pero kinabukasan ng hapon, dumating nga ang isang cease and desist order mula sa National Telecommunications Commission na nag-uutos na itigil ng ABS-CBN ang kanilang broadcast.

Hindi na namin narinig ang maraming sinabi ng kung sinu-sinong personalidad kung bakit mali o bakit tama ang utos na patigilin ang ABS-CBN. Ang nakita namin ay isang maikling video na ipinost ni Jeff Canoy kung saan ipinakikita ang mga tao sa malaking newsroom ng ABS-CBN, nakatayo nang tuwid, nakalagay ang kanang kamay sa dibdib habang tumutugtog ang pambansang awit. At nang binabasa na ang sign off spiel ng network ay nagpalakpakan nang malakas. Madamdamin iyon.

Bakit mukhang naramdaman ng entertainment industry ang pagsasara ng ABS-CBN?

Kasi po hindi maikakaila na mahigit na kalahati ng mga sikat na stars sa industriya ay nasa ABS-CBN. Lahat din halos ng malalakas na shows na sinusubaybayan ng mga tao, nasa ABS-CBN din.

Kaya iyong mga movie writer, doon din nakatutok dahil kailangan nilang ihatid sa publiko kung anong balita tungkol sa mga sikat.

Sino ang magbabasa sa iyo kung ang isusulat mo ay iyong mga walang K?

Natural kung sino ang sikat, kung ano ang gustong mabalitaan ng mga tao, doon ka.

Kaya malaki ang epekto nang mawala ang ABS-CBN.

Ano ang isusulat mo, kung papaano magluto ng adobo si Judy Ann Santos? Kung papaano magtanim ng gulay si Coco Martin? Kung ilan na ang inaalagaang aso ni Heart Evangelista? O kung saan ba nagde-date na beach sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Pero lahat naman sila jobless na at walang ginagawa sa kanilang propesyon.

Kaya nga siguro itong mga susunod na araw, maaasahan na ninyo na puro reaksiyon pa rin sa pagsasara ng ABS-CBN ang inyong mababasa.

Tama ba ang NTC? Kung ang pagbabatayan ay franchise, tama sila eh kasi “no franchise, no broadcast”. Ang naging problema riyan, iyong panukalang franchise ay inupuan sa mababang kapulungan simula pa noong 2016, tapos ngayon sila ang naghahabol at sinasabing hindi tumupad ang NTC sa kasunduan nilang magpalabas ng Provisional Authority.

Ngayon may sinasabi raw si Speaker Allan Peter Cayetano, na siya ang magpupunta sa ABS-CBN para i-on ang transmitter ng network.

Mai-on man ang transmitter, makakapag-broadcast ba? Hindi ba si Speaker din ang nagsabi, siguradong lahat ay makakatanggap sa gobyerno ng ayuda?

DZMM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with