^

Pang Movies

Angelika naiyak sa galit sa mga pasaway na kabarangay!

Gorgy Rula - Pang-masa
Angelika naiyak sa galit sa mga pasaway na kabarangay!

MANILA, Philippines — Mahirap ang pinagdaanan ni Angelika dela Cruz bilang barangay captain sa Brgy. Longos sa Malabon City dahil sa marami raw sa mga taga-barangay nila ang pasaway at hindi talaga sumusunod sa quarantine protocols.

Halos mangiyak-ngiyak daw siya sa galit sa pagbantay sa mga kabarangay niya na hindi sumusunod sa mga utos kaugnay sa Enhanced Community Quarantine. “Sa totoo lang, hindi talaga handa ang government. Pero ang isang problema ang tao. Kasi marami ang matigas ang ulo, maraming hindi sumusunod.

“Kaya ako, meron akong Team Sita ang tawag ko sa kanila. Sila yung nag-ikot sa daytime, naninita ng mga tao, nanghuhuli ng mga lumalabag sa quarantine rules. Tapos yung Team Curfew, yun naman yung nanghuhuli sa gabi. Kaya ang mga tao ko talaga, walang tulugan,”pahayag ni Angelika nang nakapanayam namin sa programa namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes ng gabi.

Nakita ko si Angelika dela Cruz blog ng aktres ang lahat na ginagawa nila sa kanilang barangay para makontrol lang sana ang pagkalat ng nakakamatay na virus sa kanilang lugar.

Bukod sa Team Sita at Team Curfew, meron din siyang Team Office, Team Repack, Team Bigay, Team Disinfect, Team Health, kasama ang grupo ng Bantay Kapayapaan.

Ang mga nahuhuli raw nilang lumalabag sa curfew, kaagad na dinadala nila sa mga pulis sa headquarters, at bahala na raw sila kung ano ang parusa sa kanila.

Kaya ang pakiusap niya; “Sana po sumunod po tayo sa regulations ng Enhanced Community Quarantine. Yung social distancing, sana sumunod po tayo para matapos na po yung paghihirap natin. Kasi lahat naman tayo hirap eh.

“May panahon para mag-inuman at para ewan ko kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay nila. Pero baka hintayin na lang nila matapos saka sila magluku-luko uli. Kasi hindi po ito ang panahon..ito po yung panahon para magtulung-tulong tayong lahat.” 

vuukle comment

ANGELIKA DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with