First Lady of Philippine television na si Leila Benitez, patay sa COVID-19 complications!
Ang radio and TV icon at kinilala “First Lady of Philippine Television” na si Leila Benitez ay sumakabilang buhay sa edad na 89 dahil sa kumplikasyon sa COVID-19 disease in New York City, USA nung nakaraang April 9, 2020.
Si Leila na isa sa original hosts ng long-running and now-defunct noontime show na Student Canteen along with Eddie Ilarde and the late Bobby Ledesma and Pepe Pimentel ay nagkaroon ng tatlong asawa at tatlong anak na pawang mga lalaki.
Isa si Leila sa pioneers sa radio at telebisyon. Bukod sa Student Canteen na nagsimula sa radio bago ito naging noontime TV program ay nagkaroon din siya ng dalawa pang programa, ang Darigold Jamboree at The Leila Benitez Celebrity Hour kung saan ang mga panel of guests niya ay binubuo ng mga rival political parties.
At the peak of her popularity bilang radio and TV host ay hinangaan na si Leila sa kanyang pagiging matalino, magandang boses at pagiging articulate laluna sa wikang Ingles.
Huli siyang bumisita sa Pilipinas nung taong 2003 sa ika-50th year anniversary ng ABS-CBN na siyang nag-provide sa kanya ng dalawang first class air fare tickets kasama ang kanyang pangatlong asawang si Donald McCollum. Dalawang hotel suites din ang ibinigay sa kanila dahil naghi-hilik umano ang mister ni Leila.
May mga pagkakataon na niyayakag siya noon ng kanyang panganay na si Gerry na bumisita ng Maynila pero ayaw umano ni Leila dahil sa sobrang traffic at init dito.
Dahil sa kanyang (third) husband na si Donald, natuto si Leila maglaro ng golf at siya ang kauna-unahang female member ng Ridgewood Country Club in Paramus, New Jersey na kanyang minana nang sumakabilang-buhay ang kanyang mister. Limang beses din siyang naging champion sa golf.
Si Leila ay isinilang in Quezon City sa isang may sinasabing pamilya ng diplomats at educators. Nag-aral siya sa tatlong unibersidad ng America at kasama na rito ang Georgetown University kung saan nagtapos ang kanyang amang si Eulogio Benitez ang abogasya. Dito naman siya nagtapos ng B.S. Psychology. Pagkatapos niyang mag-aral sa Amerika ay bumalik siya ng Pilipinas para simulan ang kanyang career in broadcasting.
Kasama si Leila sa isang European tour para i-promote ang Pilipinas sa European countries nang i-deklara ng dating strongman na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law in September 21 1972. Sa advise ng kanyang pamilya ay hindi siya pinauwi ng Pilipinas kaya nanatili siya sa Amerika up to the time of her death.
- Latest