Mga pasaway ayaw papigil!
Ngayon ko nadama ang ibig sabihin ng “we both share the same time, but the worth of your time is different from mine.” Iyon bang pareho kayong tao, pareho ang oras n’yo, pero iyon halaga ng oras niya, iba sa oras mo.
Iyon nakakagalit na mga pasaway na ayaw pa rin huminto sa paglabas samantalang pati iyon mga doctor and nurses tinatamaan na ng covid-19.
Meron nang namatay na doktor dahil sa coronavirus, pero hindi pa rin nila makita iyon halaga ng quarantine to flattened the impact of the virus transmission. Hindi ko naman sinasabi na hindi mahalaga iyon buhay ng mga nagmamatigas pa rin ng ulo sa hindi pagsunod pero ‘di ba nakakalungkot iyon mga tinatamaan ng coronavirus na mga health worker? Malaki ang magagawa nila para sa atin kaya dapat natin silang ingatan, mas importante ang oras nila, kaya please, be a big help. Huminto na kayo sa pagiging pasaway para hindi kayo maging ‘Pass(ed)Away.’ Please.
Mga malalaking kumpanya tuloy ang pagtulong
Ang galing naman ng Aficionado, MegaSoft at So Sure. Patuloy ang pagtulong nila sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mga basic needs. Like si Joel Cruz ng Aficionado namigay ng mga alcohol at hand sanitizer, si Aileen Go ng MegaSoft namigay ng mga wipes at adult diapers, si Jeric ng So Sure namigay ng mga napkin. Isa itong reason kung bakit patuloy ang tagumpay ng kanilang negosyo, iyon open nilang pagtulong sa ganitong kagipitan. Tuwang-tuwa si Roy Redondo dahil sa napakaraming natulungan ng mga alcohol at hand sanitizer nila, at si Elena dahil sa walang hinto ang pamimigay nila ng wipes at adult diapers. Ang dami din nagpasalamat kay Jeric sa So Sure na kailangan ng mga nahihirapan magpigil ng kanilang jingle. Bravo.
- Latest