Daboy 68 na sana

Ngayong araw ng March 3 ang ika-68th birthday ng namayapang action star na si Rudy ‘Daboy’ Fernandez, mister ng award-winning actress na si Lorna Tolentino at ama ng magkakapatid na Mark Anthony, Ralph at Renz Fernandez.
Tiyak na magkakaroon ng celebration ang kanyang pamilya, mga kaanak at malalapit na mga kaibigan nila ni LT na gaganapin sa kanyang mausoleo sa Heritage Memorial Park in Taguig City.
The late action star died of pancreatic cancer nung June 8, 2008.
Maine si Arjo ang kasama sa birthday?!
Ang isa pang magsi-celebrate ng kanyang ika-25th birthday today ay ang phenomenal star na si Maine Mendoza.
Kapag hindi napanood si Maine sa Eat Bulaga sa araw na ito, tiyak na nag-out of town ito kasama ang kanyang Kapamilya boyfriend na si Arjo Atayde.
Ang magkasintahang Maine at Arjo ay parehong mahilig mag-biyahe when their schedule permits.
Showbiz wedding, marami pang kasunod
Alam mo, Salve A., itong taon ng 2020 ang may pinakamaraming celebrity weddings na naganap at magaganap pa lamang lalo pa’t simula pa lamang ng buwan ng Marso.
Matapos ang sunud-sunod na kasalan sa pagitan nina Megan Young at Mikael Daez nung January 10, Juancho Trivino at Joyce Pring – February 9, Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli – February 20, Sheena Halili at Jeron Manzanero, maging sina Charee Pineda at Martel Soledad nung February 27, sumunod naman sa kanila ng Kapuso singer-actress na sina Francheska Farr at Gino Jose nung March 1 sa Calatagan, Batangas na nauna nang ikinasal sa Amerika, maging ang R&B Prince na si Jay-R at ang singer-wife na niya ngayon na si Mica Javier na ginanap naman sa Boracay.
Inaabangan naman ngayon ang grand wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa darating na March 14 with President Rodrigo Duterte and two past presidents na sina Joseph ‘Erap’ Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo leading the 25-pair list ng mga principal sponsors.
The grand wedding event ay iku-cover ng ABS-CBN kaya ito’y mapapanood ng publiko unlike other couples na ginawang sikreto ang pagpapakasal.
Samantala, clueless pa rin ang publiko sa gaganaping kasal sa pagitan nina Angel Locsin at Neil Arce, Alex Gonzaga at Mikee Morada, JC de Vera at Rikka Cruz maging sina KZ Tandingan at TJ Montederde pero ito’y mangyayari any day soon.
Anak ni Karla na si Magui super bongga ang debut
Artistahin ang dalawang nakababatang kapatid na babae ni Daniel Padilla na sina Margaret ‘Magui’ Ford Planas at Carmela Ford Tenorio.
Isang celebrity-studded grand debut party ang ibinigay ng singer-actress-TV host na si Karla Estrada sa kanyang ikatlong anak na si Magui na ginanap sa Blue Leaf Events Place in McKinley Hills in Taguig City last Saturday, February 28. Ito’y dinaluhan hindi lamang ng estranged parents ni Magui na sina Karla at Mike Planas kung hindi ng pamilya, mga kaanak at malalapit na kaibigan ng mag-inang Karla at Magui in and out of showbiz. Naroon din ang pinsan ni Magui, ang child star na si Adam Jordan Lim ganoon din ang co-hosts ni Karla sa Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
- Latest
























