^

Pang Movies

Rhea Tan binibiyayaan dahil sa pagiging generous

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rhea Tan binibiyayaan dahil sa pagiging generous

Hanga ako kay Rhea Tan ng Beautéderm Corporation. Puwede naman pag-isahin yung presscon nina Carlo Aquino at Arjo Atayde, pero talagang pinagbukod niya at ginawa niyang solo-solo.

Hitsura talaga na dalawang beses ang catering at giveaways, dagdag budget kung tutuusin, pero heto siya at hindi nagtipid basta mai-promote lang ang ambassadors niyang sina Carlo at Arjo.

Sign ito ng over generosity ni Rhea Tan kaya naman parang pay forward na lalo pang lumalaki ang kanyang negosyo. Walang short ends, bigay-todo.

Sabi nga nila, basta ganyang galante ka, sobra rin ang pasok ng grasya sa ‘yo. Kaya naman ima­gine na meron na palang 108 branches ang Beautéderm at patuloy pang lumalaki.

At natuwa rin akong makita na nandun si Papa Sam na lagi na lang media shy kaya halos hindi mo mapansin ‘pag nasa event dahil nga gusto niya si Rhea lagi ang nasa gitna ng limelight.

‘Yun sigurong support nila sa isa’t isa ang matatawag mong perfect people chemistry dahil pinababayaan ng bawat isa na magkaroon ng moment ang mga partner nila, hindi agawan sa credits.

Hay naku, ladies and gentlemen ang lahat ng products ng Beautederm ay FDA approved, at gawa ng mga pinakamahusay na chemist from the Philippines and Japan, at kung hindi lang sa COVID-19, magbubukas pa ang branch nila sa New Zealand.

Bongga.

Maka store visit nga roon, hahaha, sasama ako sa Beautéderm ambassadors.

Makakapal na napkin mabisang gamitin para sa mga senior citizen

Naku, Salve ha, sobra talaga ako sa pagiging babaeng kaladkarin, hahaha. Basta may inalok sa akin, laging YES agad ang sagot ko. kaya madalas nato-trouble ako.

Unang nag-alok sa akin ng paggamit ng adult diaper ay si Aileen Go ng MegaSoft, yes agad ang sagot ko. Tapos si Mayette na matagal ko na ring kilala mula nang ma-link kay Andrew Wolfe hahaha, joke joke.

Inalok din ako ng napkin na bladder control o ‘yung makapal na para na ring adult diaper, pero mas comfortable gamitin. Yes din ako, hahaha.

Alam mo naman na very practical ako, pag mas mura at mas comfortable, ‘yun ang gagamitin ko noh, at hihingi pa ako ng discount kay Mayette.

Kasi nga mula nang maging senior citizen ako, ewan ko ba kung bakit madalas na ako magwiwi. Eh matigas ulo ko, hindi ako pupunta ng banyo kung hindi pa halos lumabas ang wiwi ko from where I am seated hanggang banyo, hahaha. Meron nang tumutulo sa aking underwear. Kaya naging ugali ko ang gumamit ng napkin, hitsurang wala na akong mens dahil menopause na ako.

Eh mas gusto ko yun makapal, para hindi mabasa underwear ko, eh yung adult diaper parang uncomfortable sa akin dahil para siyang panty na dinidikit sa side, na kung wiwiwi ka ay aalisin mo at ididikit uli. Hindi tulad nung ibinigay sa akin ni Mayette na makapal lang siyang pads na talagang hindi ka mahihirapan dahil nakadikit lang siya sa underwear mo.

Bongga siya, So Sure talaga.

Mabibili ito sa Watson’s at Shopee, at maniwala kayo, sure ako na magi­ging happy kayo kung tulad ko eh ayaw niyong mabasa ang mga underwear nyo.

vuukle comment

BEAUTéDERM CORPORATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with