^

Pang Movies

Father Suarez nalinis muna ang pangalan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Father Suarez nalinis muna ang pangalan

Kahit hindi ko personal na kilala si Father Fernando Suarez ay tinamaan ako ng lungkot nang mamatay siya sa edad na 53, dalawang araw bago siya nag-birthday.

Alam ninyo kung bakit? Hindi ba naging malaking balita ang rek­lamo tungkol kay Father Suarez?

Pagkatapos ma-dismiss ang kaso at hatulan na ng not guilty, hayun, kinuha na ni God si Father Suarez.

Pinabayaan muna ni God na linisin ang pangalan ng healing priest, na siguro all throughout the ordeal sa paglilinis ng kanyang pangalan ay masakit na masakit ang loob sa pinagdaanan, dahil he was dishonored at malamang ‘yun na ang pinaka-malungkot na bahagi ng buhay niya.

Hinayaan muna siya ni God na malinis ang kanyang pangalan, maibalik ang respeto at tiwala sa kanya bago niya kinuha upang makasama sa langit.

Doon mo makikita kung paano ka tinutulungan ng Diyos, bigyan ka man niya ng mga bagay na masakit, tutulu­ngan ka pa rin niya upang makabangon.

Isang bagay na hindi ko mali­limutan sa mga nabasa ko about Fr. Suarez ay ang sinabi niya na instrument lang siya ni God kaya nagagamot niya ang mga sakit, na ang tunay na medicine ay ang faith mo kay God, basta naniwala ka sa kanya, iyon na ang makagagaling sa sakit mo.

I know that Father Suarez will be in ­hea­ven together with our creator, sana kahit nasaan man siya patuloy pa rin niyang ipagdasal na gumaling tayo sa mga sakit.

Rest in Peace Father Suarez.

Volunteers at health workers dapat parangalan

May pinadalang video clip si Shirley Kuan sa akin na nang panoorin ko ay very touching.

Tungkol ‘yun sa health workers na karamihan ay volunteers sa calamities like sa Taal Volcano eruption at ngayon dito sa NCoV kaya dapat talaga silang parangalan at bigyan ng mataas na respeto dahil nasa frontline sila para tumulong, hindi iniisip ang panganib na puwede nila makuha dahil nga sa delikado ang kanilang ginagawa.

Hindi nga ba balita sa CNN na iyon daw naka-discover ng NCoV sa Wuhan na doktor ay namatay at hindi alam kung bakit dahil meron balita na nang sabihin niya ang na-discover niyang virus ay binantaan siya ng government na prosecution pag nag-panic ang tao.

Now, iyon mga nagmamalasakit sa doktor gusto ng investigation dahil baka nga foul play ang pagkamatay ng doktor.

Totoo ang sabi ni Shirley na kahanga-hanga sila dahil malaking sacrifice ang ginagawa ng mga unsung heroes na tumutulong sa bayan. Salute.

FERNANDO SUAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with