GMA shows sumipa noong weekend!
Bongga ang Kapuso Network.
Umarangkada na naman sa ratings ang mga show nila nitong weekend.
Waging-wagi ang mga programa nila noong Linggo kabilang na ang Kapuso Mo, Jessica Soho, Daig Kayo Ng Lola Ko at Amazing Earth.
Naging habit na talaga ng Kapuso viewers na tutukan ang mga programang ito tuwing Linggo ng gabi dahil sa hatid nitong aral, impormasyon, at relatable na mga kwento. Tila maganda talaga ang pasok ng 2020 sa GMA-7 at panay ang ratsada ng kanilang TV ratings pataas!
Ayaw ring paawat ng mga artista ng GMA Network dahil kaliwa’t kanan ang mga natatanggap nilang award.
Congrats kina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Edgar Allan Guzman, Ken Chan (My Special Tatay).
Naku hindi ko sure ang napanalunan nilang award, basta congrats sa kanilang lahat.
‘Thank you for the trust’
Alam ko ang reason kung bakit ako nag-IG Salve. Siguro nga ay para makatulong na madagdagan ang readers natin sa PSN (Pilipino Star NGAYON) at PM (Pang Masa). Kaya salamat kay Papa Miguel (Belmonte) dahil ang mga IG posting ko ay nasa column ko na rin.
Siguro nga way rin iyon para hindi ako tamarin at para magbigay din ako ng views na iba sa mga movie chitchat na usually na sinulat ko. ‘Yun bang dahil nga 73 na ako this year ay parang part na rin ito ng mga naging journey ko sa showbiz.
Actually, kasabay ng diversion ko sa Korean drama at reflecting sa mga nangyari sa buhay ko, naging napakalaking part ng growing old ko itong IG.
Dito mas personal ang atake ko, hindi gaya ng sa column na kung titingnan mo ay parang commercialized version dahil dun ko naman nilalagay ang mga madalas na i-gatecrash ko na presscons o iyon balitang artista na siyempre kadalasan sa press release ko nakuha ang facts. Unlike sa IG na talagang from the heart, kaya siguro ‘pag may tinamaan ay nasasaktan, dahil medyo emotional ako.
Ang nangyari nga, ang IG ang parang private viewing ko, at yung column ay naging commercial run.
Siguro yun ang napansin ni Papa Miguel kaya ‘yun ang gusto niya.
Thank you papa Miguel for the trust, and allowing me to speak up my mind. Promise, magiging responsible ako. Promise talaga.
- Latest