^

Pang Movies

Kahit wala na ang mga member mga kanta ng Hotdog, hindi na mabubura!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Nung September 2018 pa lamang pumanaw ang nakababatang kapatid ni Dennis Garcia na si Rene Garcia at labis itong dinamdam ni Dennis na sumakabilang-buhay naman nung nakaraang Sabado ng gabi, January 18. He was 69.

Ang magkapatid na sina Dennis at Rene Garcia ang founder ng Hotdog Band nung dekada sitenta at sila ang naging pioneer sa tinawag noon na Manila Sound genre at simula ng pag-arangkada ng OPM o Original Pilipino Music.

Matapos maging miyembro ng Redfox Band ang magkapatid na Garcia, kanilang itinatag ang Hotdog sa tulong ng kanilang mga kaibigan at schoolmates sa De La Salle University – Greenhills na sina Lorie Ilustre at Mon Torralba. Inimbitahan naman nila ang Assumption College student na si Ella del Rosario para maging female lead vocalist ng grupo. Si Mon ang nag-compose ng signature hit ng Hotdog na pinamagatang Pers Lab (for First Love) at ito’y naging mega hit at kasunod na rito ang kanilang mega platinum album na pinamagatang Unang Kagat under Villar Records in 1974.

Nakagawa naman ng tatlong albums ang Hotdog sa bakuran ng Vicor-RCA Records, ang Pakagat Pa Nga in 1975, Inspirations: Everybody Needs One in 1976 at Jumbo also in 1976. 

Ang kanilang 5th album na pinamagatang Annie Batungbakal at Laking Maynila ay produced and released ng Wea Records in 1979 habang ang kanilang Di Mo Pansin ay sa ilalim ng Viva Records in 1991.

Nakagawa rin ang Hotdog ng pelikula in 1975 base sa kanilang hit song na Pers Lab habang ang kantang Annie Batungbakal at Bongga Ka `Day ay ginawang pelikula in 1979 and 1980 ni Nora Aunor na rin mismo ang producer at dinirek ng namayapang si Maryo J. delos Reyes.

Ilang beses ding nagpalit ng miyembro ang Hotdog maging ang kanilang female lead vocalist tulad nina Odette Quesada, Zsa Zsa Padilla, Maso Diez, Gina Montes, Rita Trinidad at Joy Reyes. Naging bahagi rin ng Hotdog ang iba pang band members tulad nina Tito del Rosario, Jess Garcia, Rene Enriquez, Gavin Zerby at iba pa.

Nawala man ang dalawang moving force ng Hotdog na sina Dennis at Rene, mananatili pa ring buhay sa puso’t isipan ng mga tao ang kanilang legacy at  mga iniwang awitin na bahagi na ng ating industriya ng musika.

JC wish na magka-dyowa na si Bela

Subok na sa takilya ang tambalan sa pelikula nina Bela Padilla at JC Santos na unang nagtambal sa una at pangalawang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) in 2017 and 2018, ang 100 Tula Para Kay Estela at The Day After Valentine’s na parehong mula sa panulat at direksiyon ni Jason Laxamana under Viva Films.

Viva Films din ang producer ng ikatlong movie nila na Of Vodka, Beers and Regrets mula naman sa panulat at direksyon ni Irene Villamor na siyang nag-direk ng hit movie nina Anne Curtis at Dingdong Dantes in 2018, ang Sid & Aya (Not A Love Story) .

Inamin noon ni JC na nung nagsisimula pa lamang siya na celebrity crush niya si Bela na never niyang inakala na kanyang makakatrabaho. Pero ang kanyang pagkakaroon ng crush sa dalaga ay nauwi sa paghanga kay Bela bilang actress at katrabaho. Hinahangad din ni JC na sana’y makatagpo si Bela ng bagong mamahalin nito na magpapasaya sa kanya.

Nauna nang inami ni JC na may asawa at magkakaanak na siya.

DENNIS GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with