Ibinandera ang intimate apparel ng sikat na brand Nadine lume-level sa mga super model na sina Hailey Baldwin at Kendall Jenner!
Nagtatanungan kahapon kung lume-level ba si Nadine Lustre sa misis ni Justin Bieber na super model na si Hailey Baldwin Bieber.
Kahapon kasi ay nag-upload si Nadine ng #MyCalvin suot ang intimate apparel ng nasabing international brand.
Hindi nga naman basta ibabandera ni Nadine ang nasabing brand kung wala lang ‘yun.
Si Hailey ang isa sa official endorser ng intimate apparels ng nasabing sikat na brand.
Isa pang sikat na partner ng CK si Kendall Jenner, sina Kourtney, Kim, Khloe, and Kylie Kardahsian.
So official ba ang pagiging partner ni Nadine sa CK?
Ruru hinihintay maging open tungkol kay Bianca
In all fairness, maganda ang simula ng bagong taon ng Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid kasabay ng ni-release nitong single sa ilalim ng GMA Music na pinamagatang Maghihintay.
Sa komposisyon ni Mark Atienza, ang Maghihintay ay awit ng isang lalaking handang hamakin ang lahat kahit na maghintay nang matagal para sa tamang panahon na makasama ang babaeng minamahal.
Ibinahagi ni Ruru na nakakakilig at relatable ang kantang ito, “Hindi siya hugot na masakit, makakapagbigay siya ng hope. Masarap pakinggan, feel-good. Para siya sa mga taong hoping doon sa taong gusto nila makasama habambuhay.”
Noong nakaraang taon, nakapaglabas na rin siya ng kanyang debut single sa GMA Music na may title na Nawawala.
Sa ngayon, naghahanda na rin si Ruru sa kanyang pagbabalik sa TV sa program ng News and Public Affairs na Lolong kung saan makakasama niya ang mga Kapuso actresses na sina Sanya Lopez at Kim Domingo.
By the way, ang Maghihintay ay puwede na mapakinggan at available na sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide.
Eh ang lovelife kaya ni Ruru kumusta naman?
Kung kasi walang official confirmation si Ruru sa kanila ni Bianca Umali, kabaliktaran naman ito kay Bianca na inaamin na happy ang puso niya.
- Latest