Dalawang Top awards nasungkit ng ‘Pinas sa Asian TV Awards
Dalawang top awards ang nakuha ng Pilipinas sa katatapos na 25th Asian Television Awards (ATA) na for the first time ay ginanap dito sa ating bansa, noong January 10, 11 at nagtapos kagabi, January 12, 2020.
Unang post ni Director Mark Reyes sa kanyang Instagram wall na nanalo ng Best Single Drama or Telemovie, ang Mystified na ginampanan nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Diana Zubiri at Karylle. Produced ito ng Sang’gre Inc. at dinirek ni Mark Reyes.
Ang Mystified ay ipinalabas sa IFlix Philippines.
Si Kapuso Martin del Rosario ay nanalo naman ng Best Leading Male Performance Digital Prize in the film Born Beautiful na dinirek ni Perci Intalan.
Si Martin ay kasalukuyang may inspirational drama series sa GMA Network, The Gift. Congratulations!
Kagabi, January 12, nagtapos ang 25th Asian Television Awards sa pamamagitan ng isang concert na ginanap sa Newport of Performing Arts Theater sa Resorts World Manila in Pasay City. Nag-perform sina Martin Nievera, Kris Lawrence, Morisette Amon at ang Indonesian singer na si Anggun.
Yam matatakutin sa totoong buhay
Kilala sa paggawa ng horror films si Direk Yam Laranas, tulad ng mga pelikulang The Road ni Alden Richards, Sigaw ni Iza Calzado at Aurora ni Anne Curtis.
This time, nag-try naman si Direk Yam ng isang medical horror movie, ang Nightshift na nagtampok sa mahusay na actress na si Yam Concepcion.
Ang story nito ay naganap lamang sa loob ng isang gabi, sa hospital morgue.
“Medyo matagal bago ko natapos ang script ng Nightshift dahil kailangan ko ang scientific research,” kuwento ni Direk Yam sa mediacon. “Dito sa movie, malalaman ninyo ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng isang tao. Nakipag-usap ako sa mga kakilala kong doctors, at doon ko nalaman na kahit ang isang tao ay namatay na, ang kanyang brain ay buhay pa rin, kahit 10 minutes or more buhay pa ito, kaya kung minsan, sinasabing ‘nabuhay ang patay’, kapag kahit patay na ay sinisikap pa rin ng mga doctor na i-revive siya, dahil buhay pa ang kanyang brain.”
Si Yam Concepcion ang one and only choice ni Direk Yam na star niya sa movie. Para sa kanya, si Yam daw ay isa sa mga mahuhusay na actress ngayon. Hindi raw siya nahirapang idirek si Yam dahil wala itong reklamo sa mga ipinagagawa niyang eksena kahit nakatatakot.
“Ang totoo po ay matatakutin ako, nanood nga lamang ako ng horror films nang tanggapin ko ang offer ni Direk Yam at ng Viva Films,” sagot ni Yam. “Wala naman po akong naramdaman bilang si Jessie sa movie na nightshift ang work niya sa isang morgue. Siguro po kaya wala rin akong narinig na kung anu-ano tulad nang sinasabi nila, dahil hindi naman kami sa loob ng hospital morgue nag-shoot. Ang naging problema ko po lamang kung paano ko ipakikita ang takot ko sa eksena.”
Kasama ni Yam sa movie sina Michael de Mesa, Irma Adlawan, Mercedes Cabral, Epy Quizon at Soliman Cruz. Joint production venture ito ng Viva Films at Alliud Entertainment, showing on January 22, 2020.
- Latest