Mga pelikulang nanalo sa Gabi ng Parangal inaabangan kung madaragdagan na ang sinehan
Deserving naman daw talaga ang Mindanao at Write About Love sa mga tinanggap nilang awards na para raw pinaghatian lamang nila, comment ng ibang nakapanood.
Of course ‘di mo naman masisisi na may mag-comment ng ganoon dahil may ini-expect silang mananalo, pero hindi nga nanalo.
One example ay sa Best Actor award. Bago pa nagsimula ang showing ng festival entries, marami nang humanga sa acting ni Aga Muhlach sa movie niyang Miracle in Cell No. 7 kaya wish nilang manalo siyang Best Actor. Nagbiro pa nga si Aga noon na magbu-blow-out siya kapag siya ang nanalo.
Ang winners ng Best Actor at Best Actress awards ay tumanggap ng one hundred thousand pesos (P100K) cash each mula sa major sponsor ng MMFF, ang FrontRow.
Nang tanggapin ng Mindanao ang Number one Best Picture award, umakyat lahat ang cast at biro ni Best Actress awardee Judy Ann Santos, “konti lang po ang sine namin, sana ay dagdagan ninyo.”
Ngayong tapos na ang MMFF Awards, mabigyan kaya ng dagdag na sinehan iyong mga pelikulang nanalo ng awards?
DNA sa PRIMA malalaman na
Excited nang malaman ng netizens kung ano ang result ng DNA tests nina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo). Ilang beses na itong pinagtalunan nina Jaime (Wendell Ramos), Kendra (Aiko Melendez) at Lady Prima (Chanda Romero) dahil ayaw nilang maniwala na silang tatlo ang tunay na anak ni Jaime, dahil pinalitaw ni Kendra na ang tunay niyang anak na si Brianna (Elijah Alejo) ang anak ni Jaime.
Kaya naman ang netizens galit na galit na kina Kendra, Brianna at Lady Prima dahil alam nilang ang tatlong Donnas ang tunay na mga Claveria. Tumanggap na sila at ang surrogate mother niyang si Lilian (Katrina Halili) ng katakut-takot na panglalait mula sa tatlong kontrabida kung saan hindi na sila makakain at iiyakan na lamang ang mga sinabi ng mga ito.
Ang Prima Donnas ay dinidirek ni Ms. Gina Alajar at napapanood araw-araw pagkatapos ng Magkaagaw.
- Latest