^

Pang Movies

Sandy pinagtanggol si Janine kay Lolit

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sandy pinagtanggol si Janine kay Lolit
Sandy & Lolit

Mababasa sa Instagram (IG) ni Lolit Solis ang nasulat niya tungkol sa reaction ni Janine Gutierrez sa pagkakaroon muli ni Sen. Bong Revilla ng show sa GMA 7.

Nabanggit kasi ni Lolit na naging cruel si Janine sa kanyang comment kay Bong at ipinaalala kay Janine ang history ng mom nitong si Lotlot at kung paanong pinalaki at inalagaan si Lotlot ng pamilya ni Nora Aunor. Ipinaalala rin ni Lolit kay Janine na magkaibigan sina Sen. Bong at lolo niyang si Christopher de Leon na talent ni Lolit.

Anyway, maraming nabanggit si Lolit kay Janine at sinabi pa ng talent manager na love pa naman niya si Janine, after ng comment ni Janine, takot na siya na i-judge rin siya sa mga pagkakamaling nagawa niya dati.

Ang last comment ni Lolit patungkol kay Janine at ang sabi, “Hoping you will do well, kumita at mag-rate ang mga ginagawa mong project.”

Nag-comment si Sandy Andolong sa post ni Lolit at ipinagtanggol si Janine at sabi nito: “Nay please, I know Janine to be a very good, loving, kind & respectful girl. She was brought up well by both her parents. I’m pretty sure she had no intention of coming on too cruel or harsh with her comment/opinion. Belittling her is unnecessary. Hinay-hinay lang Nay. Puso mo, bawal tumaas ang BP. Love, love, love sabi nga ni @krisaquino.”

Baby nina Anne at Solenn hinuhulaan na agad ang gagawin

Ang daming nag-like sa post ni Solenn Heussaff ng photos nila ni Anne Curtis na parehong in white dress at parehong nakahawak sa kanilang buntis na tiyan.

Hindi pa man lumalabas sina Baby Bolzico at Baby Heussaff, may mga humula na ng magi­ging “It Girl” ang mga anak nina Anne at Solenn.

Isa pa sa inaabangan ng netizens ay ang ipapangalan nina Anne at Erwan, Nico at Solenn sa kani-kanilang baby girl. Sigurado raw na pagandahan sa pangalan ang mga bagets.

vuukle comment

LOLIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with