Claudia inaaral na mabuti ang mental health problem
Inamin ni Claudia Barretto na kasalukuyan itong nakikipaglaban sa kanyang mental health problem.
Si Claudia ay ang second daughter ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto. Nakakatandang kapatid niya si Julia Barretto.
Para magkaroon ng awareness sa pinagdaraanan ngayon ng maraming kabataan, nag-launch si Claudia ng isang online mental health awareness campaign called Mind Games.
Ang advocacy na ito ni Claudia “aims to create a community and promote through art by means of music.”
Nais din ni Claudia na maka-create ng community of artists “who pursues the same objectives and would also like to reach out to those who are undergoing mental health battles.”
Ayon kay Claudia: “I’ve had my own experience - which people will hear more about it when we release more content.”
Nag-shift nga raw siya ng kurso from management to psychology para mas lalo pa niyang maintindihan ang pinagdaraanan niya.
“That’s actually recent. I shifted out of my previous course - management. Now, I’m just taking up Psychology so that I just know what I’m talking about. So that I can just give more reliable insights.”
Marami na raw naisakripisyo si Claudia dahil sa kanyang pinagdaraanang mental health problem.
Manilyn nagpapaka-nanay kay Arra
Ilang beses na raw naging ina si Manilyn Reynes sa mga baguhang artista ngayon at ikinakatuwa niya na nabibigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho at mai-share naman niya ang experiences niya sa showbiz sa mga baguhan ngayon.
Tulad sa teleserye na Madrasta, gumaganap siyang ina ni Arra San Agustin na tinatawag ngayon na the “New Gem of Drama” ng Kapuso network.
Kuwento ni Manilyn, una niyang nakasama si Arra ay noong contestant pa lang ito sa StarStruck Season 6. Nagkaroon daw ng acting challenge at si Arra ang napiling kaeksena niya.
“Bagung-bago pa lang si Arra that time and ramdam ko yung kaba niya bago kami nag-shoot noong scene namin. Pero noong nag-action na, doon ko nakita na may kakayanan siya sa pag-arte.
“Maganda kasi ang mga mata ni Arra at puwede niyang gamitin yun para sa pag-arte niya. Plus factor din na ang ganda ng mukha niya, artistang-artista ang dating.
“Kaya natuwa naman ako noong maging bida na siya sa Madrasta at ako pa ang nakuhang mother niya. Malaki na ang improvement niya sa pag-arte at mukhang malayo ang mararating ng batang ito.”
- Latest