^

Pang Movies

Final 4 ng Starstruck bibida ang kuwento sa Magpakailanman

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tunghayan ang makulay na kuwento ng buhay ng Final 4 ng Starstruck season 7 na sina Kim de Leon, Shayne Sava, Lexi Gonzales at Allen Ansay.

Sa kauna-unahang pagkakataon, mailalahad ang ibang bahagi ng kanilang kuwento bago at habang nasa Starstruck sila.

Ibinahagi ng Ultimate Male Survivor na si Kim de Leon na minsang napagbintangan ang kanyang ama sa maling kaso at nakulong dahil dito sa loob ng ilang araw. Dito rin matutunghayan ang iba pang hirap na pinagdaanan ni Kim tulad ng muntikan nang pagbenta sa kanilang bahay sa Batangas.

Ang Ultimate Female Survivor naman na si Shayne Sava, ikinuwento ang naranasang hirap at kung paano niya ito nakayanan kahit pa hiwalay ang kaniyang mga magulang, pero dahil sa tulong ng kanyang pinakamamahal na lola, unti-unti siyang nakabangon.

Samantala, ang First Prince naman na si Allen Ansay, ikinuwento ang naging buhay sa Maynila bilang isang probinsiyano. Nahirapan man ay nagawa pa rin niyang makapag-adjust sa ngalan ng kanyang pangarap.

Ang First Princess na si Lexi Gonzales, ibinahagi ang pinagdaanan para matulungan ang kanyang ina na solong bumubuhay sa kanilang magkapatid na na-diagnose na may autism spectrum disorder.

Ang kanilang mga kuwento ay patunay lamang na sa gitna ng kanilang kasikatan, sila ay mga tao pa rin na dumadanas ng iba’t ibang pagsubok.

Huwag palampasin ang makukulay nilang kuwento ngayong Sabado, October 5, 2019, sa nangungunang drama anthology sa bansa, Magpakailanman.

Gaganapan mismo nina Shayne, Allen, Kim at Lexi ang kanilang mga kuwento. Ito ay hango sa pananaliksik ni Cynthia De los Santos, sa panulat ni Jessie G. Villabrille, at sa direksyon ni Don Michael Perez.

vuukle comment

SHAYNE SAVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with