Sis ni Julia mas involve sa OPM
How nice naman of singer-songwriter na si Daryl Ong to openly announce na willing siya to help aspiring singers to realize their dreams katulad ng nangyari sa kanya.
A second placer to Jason Dy in the 2014 The Voice Philippines, no need to tell you where Daryl is now.
Isa sa pinaka-in demand na singer-performer, Daryl is preparing for the Las Islas Music Festival right now, na ang pakay ay maiparating ang Pinoy music at talents sa buong bansa, lalo na sa mga pinakaliblib na pook.
All in all, based in our Philippine history book, merong 7,107 islands ang bansa. Can you imagine nga naman kung ilang libong mga kababayan natin ang puwedeng ma-experience na mapanood ng personal ang performances ng mga OPM singer natin.
This October, tatlong lugar sa Visayas ang nakatakdang mag-perform ang grupo ni Daryl na kinabibilangan nina Ken Jose, a finalist of World Dance Philippines, Jade Riccio, na kare-release lang ng first albums sa Best Classical Music, Claudia Barretto, younger sister ni Julia Barretto, isang budding singer na very sultry ang voice.
Claudia will sing several of the songs na own composition niya, like Stay at Poison.
And last but not the least, the 1NEBAZE, consisting of siblings Haidez, Sor, Joong and Baby G, mga tiga-Singapore at pinakabagong bandang pumirma ng kontrata sa Star Music.
By the way, sayang lang at in two places lang sa probinsya ng Visayas makakapag-perform si Sam Mangubat, dating finalist sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.
In any case, singer-performer Bugoy Drilon will cover for him sa Iloilo show.
Heto nga pala ang venues sa Visayas na pagdarausan ng Las Islas… at exact dates: October 25, Bacolod Panaad Stadium, October 26, Iloilo Barotac Nuevo Plaza at sa October 27, Aklan Sports Complex.
Imelda Papin umaasang papanoorin din ng millennials
Of concerts, Imelda Papin, known up to now as the Sentimental Songstress, is scheduled to perform at the Philippine Arena in Bulacan on October 26.
Titled Imelda Papin at 45, since she has been in the business for 45 years, she will have two performers for special guests na pawang mga singing icon din. Sina Claire dela Fuente at Eva Eugenio.
“Maninibago sa amin tiyak ang mga kabataang manonood ng concert, na I hope they do.
“Nag-iba man ang timpla ng pag-awit, ‘yung mga pinauso namin, lalo’t noong maituturing na kami ang pinakasikat ay hindi pa rin kumukupas.
“Tiyak na pamilyar pa rin ang mga ito sa kanila, dahil ito ang mga awiting kinagisnan ng kanilang mga magulang, lalo na ng kanilang mga nanay,” ani Imelda.
Imelda is currently the seating Vice Governor ng Camarines Sur. She is still manning the Actor’s Guild of the Philippines as president.
Bea at John Lloyd kasado na ang ‘last chance’
Bea Alonzo and John Lloyd Cruz may soon do a reunion movie, titled Chances. Obviously, sequel ito ng isa sa mga successful movie nila na One More Chance.
Ewan kung totoo na aksidente lamang ang pagkikita nila noon sa isang resort sa Palawan.
John Lloyd has been in the news lately because of his controversy created by his cameo role in a probable Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry, Culion.
He is reportedly complained na parang ipinalalabas ng production na isa siya sa lead stars ng pelikula, samantalang guest role lang ang appearance niya.
Directed by Alvin Yapan, ang mga artista sa nasabing pelikula ay sina Iza Calzado, Joem Bascon, Meryl Soriano at Jasmine Curtis Smith.
Ang mahusay na scriptwriter na si Ricky Lee ang sumulat ng Culion.
Actually, puwedeng ituring na isang advocacy film ang Culion, since the town of Culion in Palawan is where the victims of leprosy ay nakatira.
Leprosy is a chronic bacterial disease, where anyone afflicted with it ay wala nang pag-asang gumaling pa.
- Latest