^

Pang Movies

Mariz gusto nang magka-anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Mariz gusto nang magka-anak
Mariz Umali

Pagkatapos na magpaalam ni Rhea Santos sa pag-alis niya sa Kapuso morning show na Unang Hirit, sunod naman na nagpaalam ay ang award-winning broadcast journalist na si Mariz Umali dahil nagpaalam na ito sa kanyang program sa GMA News TV na Balitanghali Weekend.

Si Mariz na kasi ang pumalit sa slot na iniwan ni Rhea sa Unang Hirit kaya mas priority na niya ang paglabas sa naturang morning show at magkakaroon na siya ng time on weekends kasama ang mister na si Raffy Tima, kasama na ang dasal na makabuo na sila ng kanilang baby.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Mariz ng mahabang mensahe para sa mga nakatrabaho niya sa Balitanghali Weekend for the past 9 years.

Christian at Rachelle Ann nag-reunion

Natuwa ang maraming netizens sa naging reunion nina Christian Bautista at Rachelle Ann Go noong nakaraang August 5 sa London.

Nanood si Christian ng musical na Hamilton kung saan kasama si Rachelle sa cast. Sa post ng manager ni Christian na si Carlo Orosa sa IG, nakasama sa reunion ng dalawa ang mister ni Rachelle na si Martin Spies.

Nasa United Kingdom pala si Christian dahil nag-perform ito sa Summer Filipino Fiesta in Worthing West Sussex noong August 3 and 4.

Pero kahit na naghiwalay sila, they have remained good friends.

Pareho ring kinasal noong 2018 ang dalawa. Kinasal noong April 2018 si Rachelle kay Martin. Si Christian naman ay kinasal noong November 2018 kay Kat Ramnani.

MARIZ UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with