Starstruck finalist pinaghandaan si Cherie
Ang gandang panoorin ang dalawang gabing acting test ng Final 10 ng Starstruck na naging co-actor nila ang kinatatakutan nilang Starstruck Council na si Ms. Cherie Gil. Mukhang pinaghandaan naman ng Top 10 Finalists ang pagsabak nila ng acting kay Cherie dahil kita mo ang spontaneous acting nila. Umaatikabong sampalan ang naranasan nila pero nakipagsabayan sila at hindi nagpatalo sa Primera Contravida ng showbiz.
Sino kaya ang matatanggal sa kanila? Hindi ito ang huling acting test nila, at saka pa lamang malalaman kung sino ang maiiwanan para tawaging Male and Female Survivor ng Starstruck 7.
Young kapuso stars isasabak sa mature role
Mukhang tumutuklas ang GMA Network ng mga bagong Kapuso artists na pwede na nilang i-elevate sa more mature roles, iiwanan na nila ang mga pang-teens role na dati nilang ginagampanan.
Una nga sina Jeric Gonzales at Klea Pineda na sila ang itatampok sa bagong afternoon prime drama series na Magka-agaw na gaganap silang young parents at ang aagaw kay Jeric ay si Sheryl Cruz.
Then, ang bagong triangle na sina Thea Tolentino, Arra San Agustin at Juancho Trivino, sa Madrasta. Gaganap na young parents din sina Arra at Juancho. Thankful sina Arra at Juancho dahil first lead role nila pareho ito. Si Thea, as usual ay kontrabida sa buhay nila.
Kaya malaki ang maitutulong sa kanila ng ongoing workshop nila under ng New York-based acting coach na si Anthony Vincent Bova hanggang sa August 8. Pero maiiwanana pa rin si Ana Feleo na assistant ni Anthony para ituloy ang workshop ng mga taga-GMA Artist Center.
Jak at Sanya four-storey ang pinatatayong bahay
Wala pang kasunod na project sina Barbie Forteza at Jak Roberto after ng pinag-usapang fantasy series nilang Kara Mia pero si Jak ay muling napapanood sa Bubble Gang at si Barbie naman ay mainstay ng Sunday noontime variety show na Sunday PinaSaya na nagsi-celebrate na ngayon ng kanilang 4th year anniversary.
“Pero next week po (ng August), magti-taping na kami ni Barbie ng episode namin ng Wagas na tatagal ang airing nito ng four weeks or one month,” kuwento ni Jak. “Nakakatuwa po dahil ibinalik nila muli ang Wagas at sa GMA 7 na ito mapapanood araw-araw bago ang Eat Bulaga.”
Binati namin si Jak na sunud-sunod din ang projects ng nakababata niyang kapatid, ang mahusay na actress na si Sanya Lopez. Bukod sa pinag-uusapang afternoon prime drama series na Dahil Sa Pag-ibig, na extended pa ng ilang weeks, isa si Sanya sa bubuo ng cast ng Isang Bahaghari, na makakatrabaho niya si Ms. Nora Aunor, na gaganap siyang anak nito, kasama rin ang dalawang mahuhusay na actor na sina Phillip Salvador at Michael de Mesa at si Joel Lamangan pa ang magiging director niya.
“Thankful po kami ni Sanya sa mga blessings na dumarating sa amin. Kaya po matutuloy na ang pagpapatayo namin ng sarili naming bahay. Pinag-iipunan po namin talaga iyon at dream come true na sa aming magkapatid. Diyan po rin sa Muñoz, Quezon City namin ipatatayo ang four-storey house namin. Thank you Lord.”
- Latest