Maricel bongga ang comeback
Ikinatuwa ng marami ang nakitang pagbabalik ni Maricel Laxa sa big screen. Kahit maliit lamang ang role ay pumayag itong lumabas sa napaka-blockbuster na Hello, Love, Goodbye. Naging makulay ang kanyang comeback at nabigyan ng pag-asa ang mga tagasubaybay niya na mamalas muli ang kanyang kahusayan bilang artista.
EB hindi nauubusan ng paandar
Apat na dekada na ang Eat Bulaga at parang hindi pinagsasawaan ng manonood kung kaya patuloy ang programa sa pag-iisip ng mga segment na kalulugdan ng mga tagasubaybay. Patok yung kontes ng paggapang sa isang madulas na hagdan kaya madalas bumalik sa kanilang pinanggalingan ang mga kalahok na basa rin pero, hindi nawawalan ng participants dahil P20k ang napapanalunan. Bumalik na rin ang paghahanap sa isang Mr. Pogi. Request ng maraming suki ng programa na i-guest nila ang napakaraming naging co-host ng programa, kahit yung mga naririto lamang, tulad nina Coney Reyes, Toni Rose Gayda, Tessie Tomas, Charo Santos, Toni Gonzaga, Isabelle Daza mula sa kalabang network, Gladys Guevarra, Diana Zubiri, Alicia Meyer, Ciara Sotto, Daiana Meneses, Patricia Tumulak, atbp.
Bela tanggap sa pagiging kontrabida
Magaling talaga siguro si Bela Padilla dahil kahit sa dami ng nagagalit sa kanyang role sa Sino Ang Maysala? Mea Culpa dahil parang contravida ang role niya, tinututukan pa rin siya. Nag-aalala tuloy ang mga manonood sa gagawin niyang pagpalit kay Nadine Lustre bilang katambal ni Aga Muhlach sa isang pelikula sa MMFF 2019 dahil baka apektado pa sila ng galit nila dito dahil sa role nito sa Mea Culpa.
- Latest