Mga bigating pelikulang lokal, nasa Cinema One na
Maraming kaabang-abang na pelikulang Pilipino ang nakatakdang umere sa Cinema One ngayong third quarter ng taon, tulad na lang ng Fantastica, Jack Em Popoy, Marry, Marry Me at Rainbow’s Sunset, bilang handog ng cable channel sa patuloy na pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo nito.
Ngayong Linggo (July 21), tampok ang Gonzaga sisters na sina Alex at Toni sa Marry, Marry Me, ang rom-com na pinagbibidahan nila kasama si Sam Milby.
Magdadala rin ang action-comedy blockbuster na Jack Em Popoy: The Puliscredibles ng katatawanan at saya ngayong buwan kasama sina Coco Martin, Maine Mendoza, at Vic Sotto.
Sa susunod na buwan, mapapanood sina Gloria Romero, Tony Mabesa, at ang yumaong si Eddie Garcia sa pelikulang Rainbow’s Sunset.
Samantala, magaganap na rin ang pinakahihintay na cable TV premiere ng Fantastica sa Agosto. Tampok sa top grossing movie ng Metro Manila Film Festival 2018 sina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Bela Padilla, at Vice Ganda.
Ilan pa sa mapapanood sa buwan ng Agosto ang Sakaling Maging Tayo at One Great Love.
Ipapalabas naman sa Blockbuster Sunday slot ang Second Coming, Familia Blondina, ML, Kuya Wes at Papa Pogi sa buwan ng Setyembre.
- Latest