^

Pang Movies

Miriam sini-share ang pagiging nanay

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Miriam sini-share ang pagiging nanay
Miriam Quiambao-Roberto

Nasa Alabang Town Center kami ni Annabelle Rama noong Saturday night dahil dinalaw namin ang daughter-in-law niyang si Alexa Uichico-Gutierrez (misis ni Elvis Gutierrez) na nagbebenta ng kanyang Shop Laya girls clothes sa Mommy Mundo Expo Mom doon.

Nakita namin doon si Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao-Roberto.

Lumalabas-labas na si Miriam at naiiwan na niya ang anak na si Elijah Roberto sa bahay dahil may gatas na siya na iniiwanan (nagbi-breastfeed).

Kasama ni Miriam ang mister na si Ardy Roberto.

Madalas din na lumalabas si Miriam at nagbibigay ng talk sa iba’t ibang mga kompanya.

Tuesday busy sa pagnenegosyo

Ang comedienne na si Tuesday Vargas sa Promenade Mall sa Greenhills, San Juan.

Hindi ko namukhaan si Tuesday. Siya pa ang unang bumati sa amin.

Walang regular TV show ngayon si Tuesday dahil busy raw siya sa ilang mga negosyong itinayo.

May bayad center pa nga raw siya ngayon.

Masipag sa pagnenegosyo si Tuesday at ‘yon daw muna ang priority niya.

Ibang mga artista sa ASAP, maglalagare para sa Eddys!

Sa August 3 ang ASAP show sa San Jose, California.

Dahil aalis ang mga taga-ASAP, kaya nag-i-schedule na sila ng advance tapings.

Sa July 14 nga, may taping sila, kaya ‘yung ibang mga regular sa show na awardee sa EDDYS Awards Night ng SPEEd na gaganapin din sa araw na ‘yon sa The New Frontier Theater ay “maglalagare” raw.

Iwas-away aktres at mga kaibigan, bawal mag-utangan!

May isang aktres ako na kakuwentuhan.

Kaya raw hindi sila nagkakaroon ng problema ng ilang mga aktres din na kabarkada niya ay dahil bawal silang mag-utangan.

Marami raw kasi silang mga kakilala na nagkakaroon ng away dahil sa utangan.

“Kung may financial problem ang isa sa amin, we help. Nagbibigay kami kung magkano ang kaya namin, pero walang utangan para hindi magkasira dahil sa pera,” sey ng aktres na katsikahan ko.

Tama lang naman!

vuukle comment

MIRIAM QUIAMBAO-ROBERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with