^

Pang Movies

Mister niya ang tatay Roxanne proud sa anak ng ex ni Derek

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mister niya ang tatay Roxanne proud sa anak ng ex ni Derek

Mababasa ang post ni Roxanne Guinoo na “Congrats ate Sofie” sa graduation photo ng anak ni Joanne Villablanca kay Mandaluyong City councilor Elton Yap na asawa ngayon ng aktres (Roxanne).

Apparently, marami ang hindi nakakaalam na tatay ng anak ni Joanne ang asawa ni Roxanne kaya may nagtanong kay Roxanne ng “di ba asawa mo po un?! Maganda ang sagot ni Roxanne na “yes po. And i am sofie’s 2nd mom and we are all happy.”

Nagpasalamat si Joanne kay Roxanne sa gree­tings nito sa anak at susunod naman daw na magga-graduate ay ang eldest daughter nina Roxanne at Elton. Close si Sofie sa ama, kay Roxanne at sa mga kapatid sa ama at kasama siya tuwing nagbabakasyon ang mga ito.

Hindi namin alam kung kailan ang graduation ni Sofie Yap, pero nabasa pa ang pagko-congratulate sa kanya ni Derek Ramsay. Ibig sabihin that time na graduation ni Sofie, maayos pa ang relasyon nina Derek at Joanne. Ibig sabihin uli, kailan lang nag-break sina Derek at Joanne.

Drew at Iya nakakatulong na ang anak sa pagluluto

Kwento nina Drew Arellano at Iya Villania sa presscon ng Season 5 ng Home Foodie, nakakatulong na nila ang eldest son nilang si Primo sa pagluluto. Hindi man tumulong maghiwa o maghanda ng ingredients, madalas, si Primo ang nagyayaya na magluto sila.

Nagsisilbi ring food critic ang anak dahil sinasabi kung masarap o hindi ang niluluto ng parents niya.

Para sa Season 5 ng Home Foodie, kasama pa rin nina Drew at Iya sina Chefs Llena Tan-Arcenas, Martin Narisma at John Valley at sila ang nag-isip ng meals na magugustuhan lalo na ng mga bata.

Isa pang pagbabago sa Season 5, ilan sa cooking demos ay ginawa on location with a refreshing view of the Sierra Madre Mountain Ranges as the kitchen backdrop.

Mapapanood ang Season 5 ng Home Foodie, Monday to Friday after Unang Hirit.

Scarlet ayaw paalisin si Alden

Ang cute ni Scarlet Belo na ayaw bumitaw sa pagkakayakap kay Alden Richards kahit nagpapaalam na si Alden at kahit sinabi ni Dr. Vicki Belo na babalik ito para makipaglaro sa kanya.

Speaking of Alden, nagsimula na siyang mag-dubbing sa Star Cinema movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.

Also, sunud-sunod na ang schedule ng block screening mula sa fans ni Alden, fans ng AlDub, fans ni Maymay Entrata at fans ni Kathryn. Ito ay kahit hindi pa in-announce ng Star Cinema ang playdate, pero alam na ng marami na sa July 31 ang showing ng Hello, Love, Goodbye.

vuukle comment

ROXANNE GUINOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with