^

Pang Movies

Krista nakalimang anak na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Krista nakalimang anak na

Congrats sa mag-asawang Krista Ranillo at Niño Lim dahil sa kanilang bagong silang na baby boy na si Nyles Jordan.

Iniluwal ni Krista ang youngest son nila ni Niño noong April 30, 2019 sa isang ospital sa California via normal deliver.

Bale lima na ang anak nina Krista at Niño, apat na lalake at isang babae. Letter N ang umpisa ng lahat ng pangalan ng mga anak ng mag-asawa dahil nagsisimula sa letrang N ang first name ni Niño.

Siyam na taon nang nagsasama ang dalawa at sa loob ng nine years, biniyayaan sila ng limang anak kaya suko na si Krista.

Ang huwag nang mag-request si Niño ng another child ang birthday message ni Krista sa kanyang asawa dahil hindi naman talaga biro ang mag-alaga ng limang bata, kahit may mga yaya sila.

In fairness, very responsible husband and father si Niño kaya masuwerte si Krista dahil siya ang napangasawa. Definitely, malabo na ang posibilidad na maging active uli si Krista dahil happily-married na siya at tahimik na ang kanyang buhay sa piling ng asawa at mga anak niya.

Jerome at Jane movie lalabas na

Sa May 29 ang playdate sa mga sinehan ng Finding You at nanggaling ang impormasyon mula kay Roselle Monteverde ng Regal Entertainment Inc.

Starring sa Finding You sina Jerome Ponce at Jane Oineza na natsitsismis na dating magkarelasyon pero hindi pa sila nagsasalita tungkol sa isyu.

Single daw ngayon si Jane samantalang going strong ang relasyon ni Jerome sa volleyball player na si Mika Reyes.

Ipinapakita na ang trailer ng Finding You sa mga sinehan at parehong happy sina Mother Lily at Roselle dahil sa mga positive feedback sa coming soon movie nina Jerome at Jane.

Anne umpisa na uli sa pelikula 

Kinunan agad ang mga eksena nina Anne Curtis at Marco Gumabao para sa Just A Stranger sa unang araw nila sa Lisbon, Portugal.

Nagtrabaho agad ang dalawa at ang production crew ng Viva Films dahil isang linggo lamang ang shooting nila sa Portugal.

Matagal ang biyahe nina Anne at Marco mula Manila hanggang Portugal dahil tatlong eroplano ang sinakyan nila para makarating sa Lisbon.

Isang oras at labinlimang minuto ang biyahe via expressway mula Lisbon hanggang Fatima kaya malaki ang chance na magsimba ang grupo ng Just A Stranger sa Our Lady of Fatima Shrine na dinarayo ng milyun-milyong turista at ng mga Katoliko.

Paolo nag-iba na ng buhok

Tapos na ang shooting ni Paolo Ballesteros para sa isang pelikula niya kaya kulay itim na uli ang kanyang buhok.

Ilang buwan din na blonde ang buhok ni Paolo dahil ito ang requirement para sa kanyang witch role sa bagong movie project niya.

High maintenance ang blond hair kaya thankful si Paolo dahil bumalik na uli sa dati ang kanyang itsura.

Maledicto tinanggihan sa dalawang sinehan!

True pala ang balita na tinanggihan ng management ng mga sinehan sa isang mall na magkaroon ng block screening ang Maledicto, ang movie nina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis Smith.

“Two malls in Taguig declined our block screenings because apparently they don’t screen local films anymore,” ang emote ni Jasmine.

Hindi masisisi ang management ng sinehan dahil pinipilahan pa rin sa takilya ang Avengers: Endgame kaya sinasamantala nila ang pagkakataon dahil sa huli, negosyo pa rin ang pagmamay-ari ng mga sinehan. May mga renta at electric bills na binabayaran, may mga empleyado sila na pinapasuweldo.

vuukle comment

KRISTA RANILLO

NIñO LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with