^

Pang Movies

Ali hindi na maibalik ang dating saya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ali hindi na maibalik ang dating saya
Ali Sotto

Congrats kay Ali Sotto dahil siya ang pinarangalan ng Vera Perez family ng Dr. Jose Perez Memorial Award.

Deserving si Ali sa award na natanggap niya dahil sa kanyang mga kontribusyon bilang broadcaster sa DZBB.

Sa mga hindi nakakaalam, magkasama sina Ali at Manay Gina De Venecia sa INA, ang samahan ng mga ina na tumutulong sa mga nanay na emotionally devastated dahil naulila sila sa kanilang mga anak.

Maraming natutulungan ang INA, lalo na ang mga testimony nina Ali at Manay Gina na parehong nawalan ng mga anak sa isang napakasakit na paraan.

Kahit lumipas na ang matagal na panahon, hindi na babalik ang dating saya nina Ali, Manay Gina at ng mga nanay na namatayan ng mga anak.

Nabuo mula sa INA ang Inang Mahal, ang party list ni Manay Gina na suportado ni Ali at dapat suportahan ng lahat, hindi lamang ng mga ina dahil ang sabi nga ni Manay Gina, ina rin ang mga ama.

Piliin ang nasa puso…

Dalawang linggo na lang, eleksyon na. Malapit nang hatulan ng mga botante ang mga kandidato sa local at national.

Sana naman maging matahimik ang eleksyon na isang araw kaya hindi dapat pag-awayan. Kung sino ang piliin ng mga tao tanggapin natin, kahit pa sabihin na hindi karapat-dapat na manalo ang ibang mga kandidato.

Sa mga labanan, palaging may natatalo, may nananalo. May nandaya at may dinaya pero kahit ano pa ang mang­yari, tuloy ang buhay.

Sabi ko nga, isang araw lang, ngayon magkalaban, pagkatapos ng eleksyon, magkaibigan uli. Parang sina Mayor Abby at Junjun Binay, ngayon magkalaban pero pagkatapos ng halalan, magkapatid pa rin sila dahil ang dugong Binay ang tumatakbo sa kanilang mga ugat.

Kung may mga tao na disappointed dahil hindi nila napigilan ang kanilang sarili, tandaan na away magkapatid at usapin pamilya lang ang naganap.

So dapat ganoon lang, huwag bigyan ng masyadong kulay. Basta para sa bayan, piliin natin ang nasa puso natin at tanggapin ang resulta ng magaan sa dibdib.

K-dramas laging may ulilang bida

Bakit sa mga Koreanovela na pinapanood ko, may ulila o orphan ang mga kuwento?

May kinalaman ba ang division ng North at South Korea kaya maraming bata ang naging ulila sa magulang?

Isa pa na laging injected sa mga Koreanovela ang mga orphanage o bahay-ampunan. Ang mga bahay-ampunan sa Korea, nasa malalaking bakuran dahil dito naglalaro ang mga bata na hindi pa inaampon at kadalasan, ang mga inampon magaganda ang buhay.

Mukhang sa Korea, may specific na bilang ang isang pamilya, usually, may isa o dalawang anak lamang ang mag-asawa.

May kaso rin ng magkapatid na magkaiba ang umampon kaya parang hindi mahigpit ang adoption law sa South Korea.

May soft spot sa akin ang mga bata na inampon dahil nakita ko kung gaano kamahal at alagaan ng dalawang showbiz writers at alawang showbiz managers ang kanilang mga adopted child.

Buti na lang, sa kanila napunta ang mga batang ‘yon dahil sure ako na magiging secure ang buhay nila. Kitang-kita ko ang pagmamahal  ng mga nag-ampon sa kanila.

Children are precious gem, alagaan natin at sa halip na lumaki na orphans, ibigay natin sa mga tao na magmamahal sa kanila, magpapaaral at mag-aalaga dahil hindi dapat magkaroon ng mga bata na walang pamilya at tahanan.

ALI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with