^

Pang Movies

Z Girls at Z Boys hahataw sa concert nila Billy, James and Sam

Debbie Castillo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Very positive ang Korean entertainment visionary na si Jun Kang na tumatayong Chief Executive Officer (CEO) ng Zenith Media Contents ng South Korea na balang araw ay hihilera sa mga sikat na K-Pop group ang project na sinimulan niya, ang Z-Pop Dream Project.

Layunin ng naturang project na mag-discover ng mga kabataan (Z generation) na may kakaibang appeal at ta­lento.

Ngayon pa nga lang na nagsisi­mula pa lang ang Z Boys at Z Girls (tawag sa grupong nabuo ng Z-Pop dream project), bibilib ka na agad sa dating ng kanilang music maging ng choreography.

Aakalain mo na Korean group ang nagpe-perform pero katunayan, wala ni isa sa kanila ang may dugong Korean.

Ang Z-Pop group ay binubuo ito ng mga miyembro na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Asia tulad ng Philippines, Japan, Indonesia, India, Vietnam, Thailand at Taiwan. Nag-audition sila para mapabilang sa naturang grupo.

Ang Z-Girls binubuo nina Vanya (Indonesia), Queen (Vietnam), Bell (Thailand), Joanne (Taiwan), Priyanka (India), Mahiro (Japan) at Carlyn (Philippines). Ang Z-Boys naman ay binubuo nina Josh (Philippines), Roy (Vietnam), Mavin (Indonesia), Blink (Thailand), Perry (Taiwan), Sid (India) at si Gai (Japan).

Noon ngang February 23, 2019 ay nagkaroon sila ng concert sa Seoul, Korea.

Ilan sa K-Pop stars na kanilang nakasama ay sina Rain, Monsta X, Apink, ChungHa, Wanna B, LipBubble at Tweety.

Plus factor na nakasama nila ang mga sikat na K-Pops stars para lalo silang gumaling.

Samantala, special guest sa The Cr3w concert nina Billy Crawford, James Reid, at Sam Concepcion ang Z Boys at Z Girls na gaganaping ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum kaya asahang pang-world class ang mapapanood ninyong performance.

Z-POP DREAM PROJECT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with