^

Pang Movies

Aktres mahal pa rin ang TF kahit wala nang dating!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Gustong kunin ng isang bagong movie producer ang isang not so senior actress na sumikat dahil sa teleserye. Kaso pinigilan siya ng kinonsultang producers dahil mataas ang talent fee nito.

“Hindi na siya malakas sa tao ngayon. Saka hindi na fresh ang dating niya sa screen,” sey ng kinausap na producer.

“Kaya pala bihira siyang kunin sa movies ngayon kahit magaling siyang umarte,” tugon ng baguhang producer.

Maymay isasawsaw sa Kathryn-Alden movie

Pasok si Maymay Entrata sa pelikulang pagtatambalan nina Kathryn Bernado at Alden Richards. Ayon ito sa social media feeds ng ilang taong bahagi  ng gagawing movie sa Hong Kong.

Gaya ng unang balita, sa Hong Kong kukunan ang ilang parte ng pelikula at join din daw si Maymay sa HK. Iiwan muna ni Maymay ang ka-loveteam na si Edward Barber kapag lumipad na siya patungong Hong Kong.

Bukod kay Maymay, kabilang din sa cast si Joross Gamboa. Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina ang KathDen project.

Sakit ni Claudine namana ng anak!

Isinugod ni Claudine Barretto sa ospital ang anak na si Santino. Bahagi ng post niya sa Instagram, “My son Santino had to be rushed to the ER becz unfortunately like me he has Urticaria. Thank y Lord my son is so brave.”

Ayon sa Google, ang Urticaria ay, “Urticaria, also known as hives, is an outbreak of swollen, pale red bumps or plaques (wheals) on the skin that appear suddenly – either as a result of the body’s reaction to certain allergens, or for unknown reasons. Hives usually cause itching but may also burn or sting.”

“Oh, no,” komento naman ni Gretchen Barretto sa nangyari sa pamangkin.

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with